Simula

56 3 3
                                    

"If you found out you were dying, would you be nicer, love more, try something new? Well, you are. We all are."

-

Simula

Sakripisyo

Dalawang babae ang mabilis na tumatakbo sa malamig at madilim na kagubatan. Galit, hinagpis at kaba ang kanilang nararamdaman ngayon.

Galit, dahil sa ginawa sa kanilang mag-ina.

Nasa 'White House' ang mag-ina na sina Novelle at ang anak na si Lucine na seryosong pinagdidiskusyunan ang isang bagay na gumugulo sa buong St. Camillus.

Ang St. Camillus ay isang samahan ng kababaihan na hindi naniniwala na kailangan ng lalaki upang magkaroon ng sanggol sa sinapupunan.

Magkahalong kaba ang nararamdaman ng mag-ina na pabalik balik ng lakad habang nagiisip kung paano nila masusulusiyunan ang pangyayaring kumakailan lang ay napapabalita.

Habang sa kalagitnaan ng katahimakan ng bigla silang nakarinig ng mga kaluskos.

Agad na naging alisto ang mag-ina, puno man ng kaba ay tinungo nila ang pinto at dahan-dahan itong binuksan ni Novelle hanggang sa may kaunting espasyo para masilayan ang kung anuman na gumambala sakanilang mainit na paguusap.

Napasinghap ang ginang, nanuot ang takot sa buong pagkatao nito, na naramdaman ng anak na si Lucine.

Napahawak ng kamay si Lucine sa kanyang Ina. Napatingin naman ang ginang sa kanyang anak na may kasamang kaba at takot sa kanyang mga mata.

Gamit ang kaunting lakas na natitira kay Novelle mula sa takot na nararamdaman, hinawakan nya pabalik ang kamay ng anak habang ang mga mata'y nakapako sa nilalang na may pulang matang nakamasid sa ginang na animo'y nagaamok ng gulo at hari ang tingin sa sarili.

Sa gitna ng titigang nangyayari, nakarinig sila ng ingay sa baba, mga kalampag ng mga muwebles na kung susuriin ay parang hinahagis sa kung saan, mga kagamitan na sinisira.

Dahil sa ingay na nilikha ng mga kasamahan, napangiti ng marahan ang lalaking nasa harap ni Novelle, ngiting mapanganib.

Napatiim baga ang magina, 'Madami sila Anak' mensahe ng ina gamit ang isip.

Kasabay ng muling paghawak ng mahigpit ni Novelle sa kamay ng anak ay ang pagpilit na pagbukas ng lalaki sa kanilang pinto.

Batid ng magina na hindi nila kaya kung makikipagpangbuno sila, kaya bago pa man makapasok ang lalaki, ay agad silang nakaiwas sa malakas na paghawi ng pinto para itoy tuluyang mabuksan.

Ngunit hindi umaayon ang mga pangyayari, mapipilitan silang iligtas ang sarili sa pakikipaglaban dahil sa pagtapak ng lalaki sa loob ng silid, may kasunod na tatlo pang lalaki ang pumasok.

Nanlaki ang mata ni Lucine nang malakas syang hinawi ng ina, at matapang na umatras lamang ito.

'Ina'

'Magtago ka!'

Naiiyak na umiling si Lucine, mabilis na pinasadahan ng tingin ni Novelle ang anak.

Dostali jste se na konec publikovaných kapitol.

⏰ Poslední aktualizace: Mar 18, 2020 ⏰

Přidej si tento příběh do své knihovny, abys byl/a informován/a o nových kapitolách!

AlexithymiaKde žijí příběhy. Začni objevovat