Nagtataka akong nag-angat nang tingin at bumaling sa kaniya. "Anong ibig mong sabihin?" Takang tanong ko.

"Minsan ka nang naglihim ng tunay mong nararamdaman sa kaniya kirsten, sana sa pagkakataong ito ay magpakatotoo ka na para sa inyong dalawa." Malamig niyang sabi bago ako iniwang tulala at mag-isa.

Nasapo ko na lamang ang ulo ko nang bigla itong kumirot. Napapikit ako at bumagsak dahil sa panghihina ng aking tuhod. Anong nangyayari sa 'kin? Bakit iba ang kirot ng ulo ko ngayon?

"Kirsten!" Sa panlalabo ng aking mga mata ay malinaw ko pang nakikita ang nag-aalalang mukha ni rina. "A-Anong nangyayari sa 'yo kirsten?" Alalang tanong niya.

Umungol lang ako sa sobrang sakit ng ulo ko at kumapit sa braso niya. Bago ako tuluyang nawalan ng malay ay naramdaman ko pa ang pag-angat ng aking katawan sa ere, nang makilala ko kung kaninong bisig ang may hawak sa 'kin ay naramdaman ko ang mas lalong pagkirot ng aking ulo.

"Dark cane......"

"F*ck!" I heard him cursed before i lost my consciousness.

"Dark cane!!" Sigaw ko sa binatang kanina pa tumatakbo palayo sa 'kin.

Sinamaan ko ito nang tingin nang huminto siya at tumingin sa 'kin saka tumawa, "Pagod ka na? Akala ko ba mabilis kang tumakbo? Bakit hindi mo ako mahabol habol kirsten?" Pang aasar niya.

Sumimangot ako "Eh ang daya mo naman eh!"  Naiinis kong sabi "Paano naman kasi kita mahahabol, eh ginagamit mo 'yang vampire speed mo." Pagmamaktol ko saka umupo sa isang bench malapit sa pwesto ko.

Natawa lang ito saka mabilis na umupo sa tabi ko "Ang bilis mo talagang sumuko." Natatawang sabi niya pa.

Umirap lang ako sa hangin "Eh, ang daya mo naman kasi e." Parati niya nalang ginagamit ang pagiging bampira niya kaya nga hindi ako manalo-nalo sa kahit anong laro sa kanya.

"Hindi pandaraya ang paggamit nang kakayahan kirsten,"  Nakangiting sabi niya.

"Pandaraya 'yun, kapag ako ang kalaro mo." Sumimangot ako "Baka nakakalimutan mo na prinsepe ka nang mga bampira at ako ay isang tao lamang. Wala akong laban sayo."  Wika ko pa.

Oo tao ako. At Kahit sampong taong gulang pa lang ako ay alam ko na kung anong klaseng pamilya ako nabibilang. Isang pure blood vampire ang papa at kuya ko, samantalang isang tao naman ang mama ko, Sa kanya ako nagmana. Hindi ko na nga mabilang kung ilang beses kong hiniling na sana bampira nalang ako, Gusto ko kasing maging karapat dapat kay dark.

"Kirsten," Napatingin ako sa kanya. "Paano kung maging bampira ka? Matatanggap mo ba?" Biglaang tanong niya.

"Oo." Sagot ko. Gustong gusto ko. Ayokong may tumutol sa pagmamahal ko sa kanya dahil sa tao lang ako. "Gusto kong maging bampira dark. Gustong gusto ko."

Napangiti siya "Mabuti naman kung ganon."

Malungkot akong tumingin sa mga bulaklak sa harap ko. Paano kung manatili akong tao habangbuhay? Paano kung ganito nalang ako? Pwede pa kaya akong mahaling nang isang dark cane?

Malungkot ang mga matang bumaling akong muli sa kanya "Dark,"  Paano nga ba kung hindi ako maging bampira? Posible bang mahalin mo ako? "M-Magiging bampira pa kaya ako?" Tanong ko.

Ngumiti siya saka hinawakan ang isa kong kamay "Naniniwala ka ba sa propesiya kirsten?" Nakangiting tanong niya.

Kumunot ang noo ko saka unti unting tumango "Oo, naniniwala ako."

"Kung ganon," Lalong lumapad ang ngiti niya. " Maniwala kang magiging bampira ka rin.... pagdating nang panahon."

Sa sinabi niya ay biglang nabuhay ang pag asa sa puso ko. Napangiti ako saka muling bumaling sa mga bulaklak. Hawak niya pa rin ang kamay ko kahit nasa mga bulaklak na rin ang atensyon niya.

KIRSTEN: Half Human-Half Vampire 💯जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें