"Bat' andito ka, saan kaba nagpupunta." Tanong niya sakin habang kinukuha niya ung pinamili namin kanina, nako nalanta na siguro to.

"Ikaw kasi iniwan mo ako, hindi mo manlang ako tinulungan sa mukhang halimaw na yun." Naka pout kong sabi.

"Bat' naman kita tutulungan?" Aba nagtanong pa siya parang hindi manlang niya ako katulong.

"Ay oo nga pala, bakit mo naman pala ako tutulungan e katulong mo lang NAMAN ako."  Hihingi hingi ka pa kasi ng tulong akala mo naman tutulungan ka niya.

"Tss, sumakay ka na baka iwanan pa kita." Sabi niya tsaka binuksan yung pinto ng driver seat .

Sumakay nanga ako, siya naman nagsimula ng mag drive, nasa kalagitnaan na kami ng gubat ng biglang huminto yung sasakyan.

"F*ck, bakit ngayon pa nawalan ng gas." Mura ni boy sungit, maka mura naman to.

Ang malas naman namin siguro may balat ako sa puwet o kaya si boy sungit, kinuha ni boy sungit yung cellphone niya, siguro may tatawagan to.

He's In Love to his YayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon