Part 1

15 0 0
                                        

Ito ay kwento ni kakay, isang dalagitang gustong abotin ang mga pangarap upang maibigay ang nais na hiling ng kanyang ina.

Sa pagsisimula ng kanyang mga pangarap ay darating ang dalawang lalaki sa kanyang buhay. Ano kaya ang gagampanang papel ng dalawang lalaking ito sa buhay niya? Sino kaya sa kanila ang lalaking mamahalin at magmamahal kay kakay?

Subalit may mga darating na mga pangyayari na hindi inaasahan ni kakay. Ito ang magbabago sa ikot ng kanyang buhay. At magbubukas sa tunay na katutuhanan ng nakaraan ng kanyang mga magulang.

Tunghayan po ninyo ang kwento ni kakay.

Sana po magustuhan ninyo.

Salamat po.

Part 1

Araw ng lunes, nakatanggap ng sulat Si kakay. Isang mahalagang sulat Na daan patungo sa kanyang mga pangarap. Hindi maipaliwanag ang kagalakang nararamdaman niya ng mabasa ang nilalaman nito. Mabilis niyang naakyat ang hagdanan patungo sa kinaroroonan ng kanyang ina.

Nay...nay...nay dali! may ipapakita ako sa iyo. At siguradong matutuwa ka nito.

Agad namang napabalikwas ang kanyang nanay dahil sa gulat.

Dyos Mio! Anak naman, ano ba nangyayari sayo? Lakas ng kabog ng dibdib ko dahil sa sigaw mo. Nakakagulat ka naman ano ba ya....

Hindi pa natapos ang sinabi ng kanyang nanay ay niyapos na niya ito at pinaghahalikan ang pisngi dahil sa sobrang saya niya.

Nay,ito na po ang simula ng mga pangarap natin. Nakapasa po ako ng full scholarship sa isang sikat na university sa manila.Pagbubutihan ko po ang pag aaral doon nay. At kapag nakatapos ako ay maghahanap agad ako ng trabaho upang maibigay ko lahat lahat ng gusto mo." pangiting wika ni kakay sabay himas sa buhok nito".

Umalis sa pagkakayakap ang ina sa anak at hinawakan ang mukha nito.

Anak, magpakabait ka doon ha? Alagaan mo sarili mo, wala ako don para alagaan ka.

Oo nga pala anak, kailangan ko munang tawagan si kumari Elena ng malaman niya na luluwas ka na ng manila bukas." Paalalang wika nito sa anak".

Nay...maya na po, gusto pa po kitang yakapin at lambingin.

Nay huwag napo kayo mag alala sa akin ha? Isa pa, matalino yata tong Prinsesa mo! "payabang na sabi sa ina".

Isang pamilyar na musika ang kanilang nadinig.

Iingatan ka

Aalagaan ka

Sa puso ko ikaw ang pag-asa

Sa 'ting mundo'y

may gagabay sa iyo

Ang alay ko'y itong pagmamahal ko

May nag mamahal aakay sa iyo

Aking inay ikaw ang nagbigay

Ng Buhay ko

Buhay na kay ganda

Pangarap ko na makamtan ko na

Sinabayan ni kakay ang kantang iyon ng buong puso habang sinasayaw ng dahan dahan ang kanyang ina. Kaakibat naman nito ang pagpapahiwatig ng pagmamahal sa kanyang ina.

Pinipilit ng kanyang ina ang pigilan ang namumuong luha sa kanyang mga mata, subalit ng binigkas ni kakay ang katagang Mahal kita, ay hindi na niya napigilan ang pag apaw ng kanyang luha pababa sa kanyang mga pisngi. Agad naman siyang biniro ng anak upang mahinto ang pagluha nito.

Huwag ka na umiyak nay, papangit ka niyan...cge ka!!! Yan pangit muna oh! Hahahaha!!! " habang kinikiliti ito sa may kili kili".

Agad namang napawi ang pagpatak ng mga luha nito at napalitan ito ng mga ngiti.

NecklaceWhere stories live. Discover now