Tula 2 || Wala Nang "Tayo"; Wala Nga Palang "Tayo" (SWP)

98 8 0
                                    

Wala Nang "Tayo"; Wala Nga Palang "Tayo"

(Spoken Word Poetry piece)


M i n s a n
Iniisip ko na tayong dalawa lang.

M i n s a n
Iniisip ko na magkatabi tayo sa ilalim ng puno.
Nakahiga.
Maaraw at maaliwalas ang paligid.
Pinapanood natin ang mga ulap na parang may binubuong korte.
Pero, alam mo ba kung ano ang ikinatuwa ko?
Nakakita tayo ng ulap na hugis puso.
Puso.. na simbolo ng pag-ibig.
Simbolo ng pag-ibig ko sa 'yo.
Pag-ibig natin sa isa't isa.

M i n s a n
Iniisip ko na magkatabi tayo.
Sa ilalim ng milyon-milyong mga bituin sa kalangitan.
Pinapanood natin sila.
Namamangha sa natural nilang kagandahan.
Hanggang sa makatulog tayo sa tabi ng isa't isa.

M i n s a n
Iniisip ko na tayong dalawa lang magpakailanman.
Walang makapaghihiwalay sa atin kundi ang Diyos lamang.
Tayong dalawa--sa dulo ng walang hanggan.
Tayo. Tayo lamang.

P e r o
Wala nang "tayo".
Ay teka, wala nga palang "tayo".

Ilusiyunada.

Walang "tayo." Walang naging "tayo". At walang magiging "tayo".

Ganito na lang pala.

Tutal walang "tayo", "ikaw at ako" na lang.

Ehem.

M i n s a n
Iniisip ko na "ikaw at ako" lang.

M i n s a n
Iniisip ko na magkatabi "ikaw at ako" sa ilalim ng puno.
Nakahiga.
Maaraw at maaliwalas ang paligid.
Pinapanood ng "ikaw at ako" ang mga ulap na parang may binubuong korte. Pero, alam mo ba kung ano ang ikinatuwa ko?
Nakakita ang "ikaw at ako" ng ulap na hugis puso.
Puso.. na simbolo ng pag-ibig.
Simbolo ng pag-ibig ko sa 'yo.
Pag-ibig natin sa "ikaw at ako".

M i n s a n
Iniisip ko na magkatabi "ikaw at ako".
Sa ilalim ng milyon-milyong mga bituin sa kalangitan.
Pinapanood ng "ikaw at ako" sila.
Namamangha sa natural nilang kagandahan.
Hanggang sa makatulog "ikaw at ako" sa tabi ng isa't isa.

M i n s a n
Iniisip ko na "ikaw at ako" lang magpakailanman.
Walang makapaghihiwalay sa "ikaw at ako" kundi ang Diyos lamang.
"Ikaw at ako"--sa dulo ng walang hanggan.
"Ikaw at ako" lamang.

Ngunit...

Wala na ring "ikaw at ako".

"Ikaw" ay lumisan na.

Nawala.

Nawala na parang bula.

Kung gaano kabilis ang pagpasok mo sa buhay ko ay gan'on din kabilis ang pag-alis mo... at ang pagpasok mo sa buhay ng iba.

May iba ka na.

"Ikaw at siya" na.

Wala nang "ikaw at ako".

"Ako" na lang ang natira. 


***

Mga Tula ng isang Gumagalang IsipanWhere stories live. Discover now