Nagsimula ang lahat sa ekwela
Kung saan lahat tayo ay nangangamba
Tama, sa unang araw ng pasukan
At nakakatuwang isipin na lahat tayoý baguhan
Wala pang kilala, at nagtatakda ng bagong simula
Nung una ay wala akong matakbuhan
Nakakatawang isipin na ang buhay ay ganyan
Wala kang makakampihan, at di makakausad sa labanan
Kung patuloy kang matatakot na bumangon
At iisipin na kapalit-palit ka at hindi kawalan
Nagpatuloy ang mga araw na unti unting nagbabago
Nakikilala ko na ang itsura at pangalan ng mga nasa paligid ko
Unti-unti na rin akong nasasanay sa ganito
At kailangan kong malampasan ang mga pagsubok nito
Hindi man tulad ng aking kinagisnan
At doon, nakilala kita
Na hindi ko alam kung isang biyaya o sumpa
YOU ARE READING
Mga di masabing Salita
PoetryAng mga hindi masabing salita... Pwede para sa sarili mo dahil hindi mo magawa... . . . Pwede rin para sa kanya na manhid ata.. . . . O kung sino man ang unang pumasok sa isip mo sa pagbasa ng bawat tula...
