Knock out

XXXX XXXXXXXXXX XXXXXXXXXX XXXXXXXXXX

"Baby ang ganda ng bukol mo ahh! Para kang demonyo hahaha" hinahawakan ni qlark yung bukol ko na gawa ni lesbi kaya hinawi ko yung kamay niya. Gising na pala siya. "anyare diyan? Hahahaha para kang sinapak ng Dalawang Boksingero ah!." napangiwi ako dahil may bukol na din si Qlark sa ginawa kong sapak kanina sakanya

"Binatukan ako ng tomboy" dahilan ko, totoo naman.

Si ashton tahimik lang nag mamaneho habang may earphone na nakalagay sa tenga, tahimik lang naman si ashton, minsan napapaisip ako kung  bakla ba siya. Wala pa kasi siyang ni isang girlfriend, habang ako At si qlark nakakarami na

"NANAMAN? kahapon nasapak ngayon naman nasuntok? Yung totoo baby lee? Nabakla kana ba sa tomboy? Gusto mo ng kissss??" Tinulak ko yung muka ni qlark na papalapit saakin habang naka pout siya...

"Mag isa mo" wala ako sa mood na makipag sagutan sakanya ngayon, iiniisip ko kung paano ko ba papaliwanag kay lesbi na hindi ako mag nanakaw...

Kaso ....pag tinanong niya kung bakit ako tumatakbo palabas ng entrance,, wala akong masasagot,  hindi naman pwedeng sabihin ko na nasa entrance ako para mag cutting, edi napasama pa din ako


"Lalim naman ng iniisip mo Lee" hindi ko pinansin si qlark na katabi ko ngayon sa back seat, nakatingin lang ako sa labas ng sasakyan

FLASHBACK

"Pera lang sapat na saakin" Wala na akong ibang nagawa kundi bigyan ng 3000 si lesbi,

Nakita ko ang sugat niya sa legs, ang laki noon at parang mga pasa... hindi ko siya binigyan ng pera dahil kailangan niya, binigyan ko siya dahil gusto ko.

Napatingin ako sa braso niya at may roon din pasa doon, yung mata niya na parang kakaiyak lang

Malalim din ang eyebags niya sa mata, nakaramdam ako ng awa sakanya, kahit ano pang dahilan kung bakit may roon siyang mga pasa... hindi parin sapat iyon para saktan siya.

Napatingin naman ako sa muka niya, nilapitan ko siya at kapansin pansin ang malaking sugat sa leeg niya, parang laslas?

END OF FLASHBACK

"LEEMIN TOSHIYA CHUO!" sigaw saakin ni Qlark at ashton na nasa  labas na ng sasakyan. Nandito na pala kami sa bahay ni ashton

Lumabas ako sa sasakyan at tinignan sila ng masama, alam nilang ayaw kong tinatawag ang second name ko.

"Something bothering you?" Tanong ni ashton nang maka-upo kami sa bench sa garden nila

"Kung ang babae... ay may pasa at sugat? Anong ibig sabihin noon?" Kunot noo kong tanong

"BOOOOMMMM sabi ko na babae yan eh. Dude may Erin kana nga may babae kapa? Ang sama mo naman---" tinignan ko ng masama si qlark, inirapan niya lang ako at tumunga ng alak "simple lang, may nanakit sakanya! Duuhhh Meenn!" Nginisian ko si qlark. Walang kwentang sagot

"Taena! Kung walang kang maganda sasabihin manahimik ka nalang, baka isalaksak ko sa leeg mo tong tinidor" biro ko. At pinakita ang hawak kong tinidor

Tortuous loveOù les histoires vivent. Découvrez maintenant