Red Dress

13 7 4
                                    

"Omg, ikaw ba talaga yan' Pamy?" hindi makapaniwalang sabi ni Dane nang makita ang kaniyang besstfriend.

"Sino pa ba sa akala mo?" natatawang sagot ni Pamy.

"Ang laki ng iginanda mo. You really  look beautiful." parang di makapaniwawang sabi ni Dane.

"Wow naman, thanks. Nagsasabi ka ng totoo. Hahahaha!" pabirong sagot ulit ni Pamy.

"Lalo kang pagkakaguluhan ng mga boys dito sa campus!"

"Saktong sakto kasi ang fit sa akin nitong dress. Feeling ko lumaki ang boobs ko, lumiit ang bewang ko pati balakang ko lumaki. Ewan ko ba bes, parang ang ganda ko nga dahil dito sa dress."

"Saan mo ba binili ya? Bago nuh?"

Natawa si Pamy dahil sa sinabi ng kaibigan.

"Oh anong  itinatawa-tawa mo diyan? May nakakatawa ba?"

"Kasi bagong luma itong red dress ko." kumunot ang noo ni Dane.

"Bagong luma? Di ko ata magets."

"Ibig kong sabihin sa ukay-ukay ko to' nabili. Doon sa Dagupan."

"Talaga? Parang bagung-bago ah. Hindi mo mapagkakamalang binili sa ukay-ukay."

Napatigil ang dalawa sa pagkwekwentuhan nang may dumaang grupo ng mga boys sa harapan nila.

"Witwiw! Ang sexy!" narinig nilang sambit ng isa.

"Pare, ibe-break ko na ang girlfriend ko. Baka itong sexy na babaeng ito talaga ang nakalaan sa akin." ang sabi naman ng isa.

Hindi halos maalis ang tingin ng mga boys kay Pamy. Kaya kilig na kilig naman ang dalawa.

Teenagers nga naman.

"Naiinggit na ako ah? Haba ng hair mo girl!" nakairap na sabi ni Dane. "Wala man lang talagang pumansin sa akin."

_______________

Samantala ay nagkakagulo ang tatlong saleslady ng malaking tindahan ng ukay-ukay na pinagbilhan ng dress ni Pamy.

"Anong dress ba yung sinasabi sa akin  nung German supplier natin ng used clothes? Tumawag kanina sa akin ee at itinatanong ang tungkol dun?"  nag-aalalang tanong ni Alhea, supervisor ng tindahan ng ukay-ukay na pinagbilhan ni Pamy ng damit.

"Baka raw po kasi napasama sa shipment ang isang red dress. Hindi raw po daw iyon napasama." sagot ni Phenelope.

"Hmmm," kunot-noo naman ang tinderang si Eliza, tila binabalikan kung anu-ano ang naipagbili niyang damit nang nakaraang mga araw.

"Parang may bumili sa'kin ng pulang-pulang dress nung isang araw." 

"Naku, ang bilin ng supplier natin. Sunugin daw agad iyon kapag nahanap!" sambit ni Alhea.

Nagkatinginan sina Phenelope at Alhea.

"May dala raw kasing sumpa ang red dress na iyon. Ilang beses na ang namatay nang isuot yung dress na iyon sabi ng supplier."

"Totoo po ba yan Ma'am?!" Halos magkasabay na tanong ng dalawa.

"Seryuso yung supplier ee. Para ngang  takot na takot." sabi pa ni Alhea.

"Paano ho nasabing sumpa?" usisa ni Eliza.

"May isa na raw kasing namatay sa sunog, isang nalunod, isang nagbigti at isang ----" natigil naman sa pagkwekwento si Alhea nang pigilan ito ni Eliza.

"Teka, teka po," hindi makapaniwalang sabi ni Eliza. "Hindi po ba malaking joke yun? Nasunog na't lahat, ee buo pa rin yung dress?"

"Tsaka kahit ukay-ukay lang po itong negosyo natin, hindi naman tayo magbebenta ng damit na parang basahan na." sambit naman ni Phenelope.

"Iyong nabenta ko pong red dress noong isang araw, bagung-bago pa po ang itsura at matingkad pa ang pagkapula. Imposible na iyon ang tinutukoy ng supplier natin." sabi ni Eliza.

_______________

Napansin ni Pamy ang pagsunod ng mga yabag sa kaniya. Huminto siya. Huminto rin ang mga yabag. Nakaramdam siya ng kaba sa dibdib.

May sumusunod sa kaniya at hindi maganda ang dating noon sa kaniyang pandama. Hindi siya mapakali, may namumuo na ring pawis sa noo niya. Parang gagawan siya ng mga ito ng masama.

Nagsisisi siya kung bakit gabi  na siya umuwi mula sa bahay nina Dane. Mahirap ang taxi kaya napilitan siyang magcommute. Ang layo pa naman ng lalakaran niya patungo sa waiting area ng mga sasakyang pampasahero.

Binilisan ni Pamy ang lakad. Naging takbo iyon dahil abot pa rin ang kaniyang kaba.

Bumilis rin ang lakad ng nasa likuran niya. Naging takbo rin ito at mas mabilis sa takbo niya.

Saglit pa ay inabutan siya ng mga humahabol sa kaniya.

Dalawang lalaki na tila busog na busog sa alak.

"Sexy, pare!" sabi ng isa.

"Bagay na bagay ang pulang damit."

Kinabukasan, bumandera sa mga diyaryo ang hubad na katawan ng isang teenager, iyon nga ay si Pamy. Itinapon ito aa Pantalan River na walang dudang pinagsamantalahan nuna bago pinatay.

________________

Dalawang araw makaraang makuha ang bangkay ni Pamy sa Pantalan River, dalawang kabataang bakasyunista sa Alaminos, Pangasinan ang pumasok sa isang malaking tindahan ng ukay-ukay.

"Kahit pala rito sa Pangasinan, ang daming ukay-ukay!" excited na sabi ni Julie sa kaibigan.

"Anong akala mo, sa Maynila lang meron niyan?" sagot ng kaibigan nitong si Brenda na kasama sa pamimili.

"Uy, tara na sa loob. Tingnan mo yung red dress na 'yun. Yung nakadisplay sa dulo."

"Wow, red dress. Nice, parang di pa naisuot kahit minsan!"

"Tamang-tama sa dadaluhan nating beach party mamayang gabi."

"Ang ganda nga, bagay sa'yo. Pagkakaguluhan ka ng guys kapag yan ang isinuot mo!"

Lingid sa kaalaman ng dalawa, patuloy na lumalakad ang sumpa ng red dress, at si Julie ang nakatakdang maging kasunod na biktima.

-End-

____________

DON'T FORGET TO VOTE , COMMENT AND FOLLOW!

LOVE LOVE READERS! ❤

GodBless.

©cathiechang.


RED DRESS (One Shot Story)Where stories live. Discover now