Chapter 1- Ang Simula

16.7K 328 12
                                    

Merjie POV

Davao City 5 years ago.

"Sinasabi ko sayo, kung gusto mong ipagpatuloy yang pagkanta mo, lumayas ka sa bahay." Galit na galit ang daddy ko ng umuwi ako ng alas 3 ng madaling araw. Meron kasi kaming gig at hindi ko pwedeng palampasin, saying ang kita.

Kindi naman kami mahirap na mahirap. Nakakapg-aral pa naman ako. Sa Ateneo de Davao mind you... course ko? Bachelor of Science in Entrepreneurship, major in Agri-Business...

Meron kasi kaming taniman ng saging sa Davao. Medyo maliit lang pero sakto na ang kita para mapag-aral kami ng isa ko pang kapatid na nasa high school.

"Sayang kasi daddy ang kita..." sagot ko. Pakiramdam mo hulas na ang make up ko at mukha na akong panda sa eye liner kong hulas na hulas na dahil sa pawis.
"Magkano ba ang sinasabi mong kita na yan? Gaano kalaki yan para umagahin ka ng ganyan? Alam mong merong curfew dito sa Davao..." nakukulili na ang tenga ko sa kakasigaw ni daddy. Daig nya pa si mommy...si mommy na walang pakialam sa akin.
"500 po..."sagot ko. Dumayo pa kami sa GenSan para sa gig na to.



"Hoy, Merj!!! Tulala ka na naman." Sabi ni Tuts, ang lead guitarist namin. Napabuntong hininga ako.
"Sorry...Ano ulit un?" tanong ko sa kabanda ko.
"Okay sayo ang line up ng kanta natin mamaya?" tanong ulit nito.
"Okay na yun... 90's song... E-heads..Rivermaya." sagot ko.

Naging maganda ang epekto sa aming mga musikero ng mag-operate ang Grace Hotel. Bukod sa naging permanente kami, nagsasalitan kami sa Club Zero sa Country Club at Below Negative sa Grace Hotel para sa gig. Parehong pag-aari ni Mark Cuevas.
Kapag meron event, raket pa rin kami doon. Mostly sa kasal and debut. Nag-iibang anyo kami kapag kasal at debut... baka hindi nyo kami makilala dahil nakatago ang mga tattoo ng mga kasama ko sa long sleeves. Formal na formal... Aakalain mong yayamanin kami.

Buti mababait ang may ari ng Grace Hotel. Madali naminnapakiusapan na bigyan kami kahit isang gig lang ng kasal. Kaya yung event organizer nila na si Yumi, kilala na kami.

"May problema ba tol? Lagi kang natutulala eh." Tanong ng drummer naming si Baste.
"Antok lang. Tulog lang ako ng ilang oras pa para mamaya." Nagpaalam ako sa mga kabanda ko na naging tropa ko na din.
"Sige, maya na lang. Sa Grace na tayo magkita kita." Sagot ni Tuts. Tumango ako at iniwan sila.

Umuupa ako ng maliit na apartment malapit sa Rotonda. Hindi ko afford ang umupa sa hotel sa Country Club kahit meron kaming priveledge na umupa doon without membership kasi empleyado kami sa loob ng Country Club.
Grade ang ganda ng lugar na yun. Parang paraiso. Parang fairy tale. Parang nasa ibang lugar ka. Parang any moment lilitaw ang mga engkanto dahil sa ganda.

Medyo malayo ang Country Club sa Rotonda. Mas okay na ang magmaneho ako ng halos 45 minutes para makauwi...kaysa mamulubi sa renta sa loob ng Club.


Hindi ko na kinaya ang antok. Hindi na ako kakain...Matutulog na lang ako para mawala na lang ang alalahanin at ang sakit ng pagbagsak ng telepono ni daddy sa akin.


Last Song (Grace Series Book 1)- CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon