Saan nga ba nang galing ang salitang
"BAKIT"?
Sino ba ang gumawa ng salitang naging salita ko narin? "Ang salitang Bakit".
Ang mundo ko ngayon ay napuno na ng salitang "bakit".
Bakit kailangan humantong ang lahat sa hiwalayan?
Humantong sa pag lingon sa iba, kahit ako'y asa harap muna. Humantong sa pag mamahal mo nang iba.
Paano ko sasabihin na mahal kita. Kung sa piling ko'y lumisan na, at asa kanya
kana.
Tila nag sasawa kanaba?
Nag sawa kana ba sa pag mamahalan nating dina matatapos pa? Sumabalit nagkamali ako. Nasaktan mona ako.
Ang tula na ito ay para sa isang taong 'Pinag palit'.
Pinag palit sa taong meron ng lahat, at ako?
Wala.
Meron sya ng lahat, subalit ako?
Ikaw lang ang meron ako. Ngunit nawala pa.
Mali. Mali ako.
May namumuo na palang kayo.
Sa hangin ako nag tatanong kung bakit? Bakit kailangang humantong ang lahat ng meron tayo, humantong agad sa pag tatapos ng kwento?
Kwento na nag sisimula palang. Bakit kailangang tapusin agad? Tapusin ang namumuong tayo.
'Mali ulit ako, subalit wala na nga palang tayo'
Ako na merong ikaw ay naging sa iba na.
Sinuntok ko ang hangin, humagulgol na sobrang gutom sa pag mamahal mo at nag tanong sa langit sumigaw kasabay ng , bakit?
Bakit mahal?
Bakit kailangang iwan mo ako?
Bakit kailangang ipag palit ako?
Hindi ko na alam
Wala nakong alam.
Wala na akong alam gawin para manatiling akin ka.
Nakuha kana nya, at sumama ka.
Halata namang talo nako, diba?
Pero mahal aasa parin ako.
Aasa parin ako, aasa parin sa pag babalik mo, ng dating tayo. Pag babalik ng tamis ng kahapon mosa piling ko.
Kumapit ako, kumapit sa salita mong walang hanggan tayo. Kaso iniwan parin ako.
Gusto kong ipag siksikan ang sarili ko, isang aso na hahabol sayo. Isang sanggol na iiyak parang mag mamakaawang, mahal kargahin mo ako.
Pumikit ako, pinapakinggan sa damdamin ang dati mong sinabi na mahal mo ako. Ako'y nag hihimahinasyon na sana ako ang asa tabi mo.
Bakit ako?
Ako na nag mamahal sayo ng totoo.
Bakit ipinag palit mo?
Hindi paba sapat ang isa sa puso mo?
Kaya humanap kapa ng isa na magiging kaparis mo?
Isa kang yelo na dapat sa samalig, pero bakit sakin ka nanlamig?
Hindi na ako sasakay pa sa bangkang kayo lang ang sakay nito.
Pag mamasdan ko nalang ang pag-agos nyo, kasabay ng pag patak ng mga luha sa lupa na tila walang katapusang pag luha
Umaasa ako mahal, umaasa sa pag babalik ng dating tayo noong walang pang kayo.
Malabo na siguro, malabo na talaga.
Napaikot parin ako ng mga titig at ngiti mo. Isang ngiti molang mahal, okay na. Okay na sakin na maging isa na lamang sa anino mo. Sundan kayo ng taong mahal mo. Maging bantay sa tabi mo. Kahit alam kong mali ang pagiging tanga.
Pero mahal, dahil sayo naging masaya ang pagiging tanga ko.
Ang mundo ko ay ang mundo mo.
Kahit ang buhay ko na mismo ay huminto dulot ng pananakit mo.
Mundo mo parin ang syang mundo ko narin ang syang umiikit dahil sayo.
Ikaw parin ang hinahanap ng puso ko.
Mga lambing mo, sa bawat halik ng mga labi mo. Pag dikit ng palad mosa palad ko. Ikaw parin ang hanap-hanap ko. Ang kumupas na tayo.
Mahal ang hirap tuloy ituloy ng buhay, buhay na umiikot na nakasanayan na ikaw ang kasama sa pag lipad sa langit at pag ikot ng mundo natin. Mundo nating dalawa . Noon.
Ang dati kong mundo ay natali nasa mundo ng iba. Ang bago mong mundo, mundo nyong mag kasama sa saya, kalungkutan, kulitan, asaran at nauuwi sa lambingan.
Ang sakit makita kayo na tumatawa ka habang kasama mo sya . Na dapat ako ang asa kinatatayuan nya.
Mahal paano ko ipapadama na mahal kita kung wala kana? Para akong upuan na lilipat kasa sa iba kapag nag sawa na.
Ang tanging konting alaala nalang ba ang pwede kong maalala?
Kahit sa panaginip nalang pwede ituloy ang kwento natin na hindi na pwedeng mag wakas pa. Pero natapos din pala.
Mahal gusto ko nang matulog, mag pahinga, managinip para makalimutan ang sakit.
Kahit saglit
Sa kahit saglit sa magandang panaginip na sana ako'y sumaya. Pero bakit bangungot ang pumalit sa inaasam kong masayang panaginip?
Hanggang tanong nalang ba ako?
Sinubukan kong hanapin pa ang mga sagot sa kabila ng mga katanungan ko.
Subalit nagising na ako, nagising sa katotohan na hanggang dito nalang talaga tayo.
Kailangan konang burahin ang bawat linya sa pahina ng kwento nating dalawa.
Mahal, mahal kita kaso may mahal ka nang iba. Kaya nakakasawa ng umasa pa.
Susuko nako mahal
Ako na ang uunawa sainyong dalawa sa pag mamahalan nyong, kayo lang talaga ang para sa isat isa.
Hindi kona susubukan pang habulin ka. Paalam na sa mga sandaling ako lang talaga ang naging masaya. Sana sakanya kana talaga sasaya. Salamat mahal, kasi sa kaibigan ko ikaw napunta
YOU ARE READING
"BAKIT?"
PoetryKung broken hearted ka, tama ang pinuntahan mo. Read moto. All rights reserved
