Same Ground [ONE-SHOT]

866 40 31
                                    

HAALLOOO kung may magbabasa nito!

HALOOO! Nwei, gusto ko lang idedicate eto sayo... kasi sobrang na-inlababo ako kay BRYAN LIM! WOOH! BREYA! 

Eh kasi may naalala lang ako na certain someone kapag naririnig ko yung song na SAME GROUND. Peyborit ko yan nung highschool ako. hahaha.

Sige na, na adik lang sa pagbabasa ng short story... sinubukan ko lang kung kaya ng bilbil powers ko >.<

_______________________________________________________________

"Oie bessie, okay na ba tong suot ko ha?" habang nakatayo ako sa harap ng salamin

"Tss. Kanino ka ba nagpapaganda ha?" 

"Ikaw naman, parang di mo naman kilala kong sino ang ka-meet ko ngayon" Nasa harap pa rin ako ng salamin paikot-ikot, tinitingnan kung okay na yung suot ko.

Biglang tumayo si bessie mula sa pagkaka-upo sa kama ko at lumapit sa akin.

"ARAY! Bat mo naman ako binatukan?"  Habang himas-himas ko yung ulo ko.

"Para matauhan ka sa kahibangan mo!" nakapamewang niyang sinabi.

Naiintindihan ko naman rin si bessie kung bakit kailangan kong matauhan sa kahibangan ko. Di ko rin siya masisisi kung bakit ganyan na lang reaksyon niya sa mga pinaggagawa ko.

"Eto naman, perstaym kaya namin magkita ulit after ilang years. Pagbigyan mo na lang ako bessie, ngayon lang talaga"  Habang nagpapa-cute sa harapan niya.

"Hoy nakaksuka yang mukha mong nagpapa-cute ha!"

"Eh eto naman si bessie, kahit nakakasuka mukha ko... love mo naman ako diba?"

"Ugh! Ewan ko sayo! Tara na at baka gabihin tayo niyan" Sabay hila niya sa akin palabas ng kwarto

"Hahaha. Tenkyoo bessie!" Sumunod na lang din ako sa kanya

Tahimik lang kami sa loob ng kotse niya. Si bessie ang nagda-drive.. ihahatid niya raw kasi ako. Alam mo na, siya yung may kotse sa aming dalawa kaya sinamantala ko na para libre pamasahe. Oh diba, bestfirend ko nga... driver ko pa! Deh, biro lang. Pasensya na kung kuripot, namumulubi ako eh.

Ano ba to, nabibingi ako sa sobrang tahimik. Pwede ba yun?

Buti na lang naisipan niyang i-on ang radyo...

 [MUSIC: Same Ground by Kitche Nadal]

 ♪ ♪ My love,

Its been a long time since i cried

And left you out of the blue.

Its hard leaving you that way when

I never wanted to. ♪ ♪

Seriously? Hello Mr. Radio? Ako ba pinapatamaan mo ha?

Haaay. Kasi naman.. naalala ko nanaman siya. We were in highschool nung naging seatmate ko siya. Puro asaran lang kami noon pero biglang nagbago ang lahat nung nagka-aminan na. Alam niyo yun? Yung usual format ng isang storya kung saan ang asaran nauuwi sa pag-mamahalan? Tsss. Oo, ang corny na.

♪♪ Self-denial is a game

Its strange i never would’ve

Wanted if until there was you.♪♪

Same Ground [ONE-SHOT]Where stories live. Discover now