Nagising akong nakahiga sa lapag at may hawak na patalim na may dugo. Dahil sa pag kagulat ay tinapon ko ito palayo sa akin. Nakita kong may dugo ang mga kamay ko kaya dali dali ko itong hinugasan. Ano bang ginawa ko at may hawak nanaman akong patalim?
Sumilip ako sa bintana at nakita kong umuulan sa labas kaya naman dali dali akong bumaba pagkatapos kong hugasan ang aking mga kamay. Pagkarating ko sa sala walang tao at may naririnig akong tunog ng ambulansya sa labas. Hinanap ko sila Mama at ang mga kapatid ko. Nakita ko si ate sa labas kaya lumabas ako. Nakita ko si kuyang pinapasok sa loob ng ambulansya.
"Ate anong nangyare kay ku--" nagulat ako ng humarap sakin si ate at sinigawan ako.
"Your a monster!! You hurt my brother you freak, get lost you monster!!" Yelena shouted while crying.
Bakit sinisigawan nanaman ako ni ate Yelena? Wala naman akong ginawang mali ngayon, lahat naman ng utos mo sinunod ko. Anong nangyare dito?
"Ate--"
"STOP IT ALREADY CRISTINA!!! HINDI MO AKO ATE AT MAS LALONG HINDI KA NAMIN KAANO ANO!! IKAW ANG MAY KASALANAN KUNG BAKIT NASA GANYANG KALAGAYAN SI KUYA!! YOU MONSTER, WALA KANG UTANG NA LOOB!! KAYA UMALIS KA NA, ALIS!!" Dinuro duro niya ako habang nasa side walk kami. Wala akong nagawa ng napasalampak ako sa semento habang pareho kaming nababasa ng ulan.
"Ate, wala akong ginawa kay kuya." Umiiyak kong tugon habang nakaupo parin. Lumapit siya sa akin at sinampal ako sa magkabilang pisngi. Hindi pa siya na kontento at dinuro duro ako habang sinasalaysay ang nangyare.
"I saw it all Cristina. Nakita kong may hawak kang kutsilyo habang hinahabol si kuya na duguan *sob*sob*. Nang malapit na si kuya sa stairs, nahulog siya dahil nanghihina na siya *sob* kaya naman nagpagulong gulong siya*sob*. Lalapitan ko na sana si kuya *sob* kaso sinenyasan niya akong lumabas at *sob* humingi ng tulong. Bago ako umalis narinig kitang tumatawa ng malademonyo *sob*sob* at ang huli kong narinig ay ang pagsigaw ni kuya. Tapos ano pagbalik namin *sob* wala ka na. Your a monster, so get out of our lives."
Sinampal niya ulit ako at dahil sa lakas ng impact napahiga ako sa daanan. Hindi maproseso ng isip ko ang sinabi ni Ate, natulala ako. Wala akong maalalang ginawa ko ang bagay na yun. Hindi ko namalayang naiwan na akong mag-isa sa tabi ng kalsada habang basang basa sa ulan.
Tumayo ako at naglakad lakad ng walang pupuntahan. Para akong isang baliw na nagpalaboy laboy sa daan. Ang huling nakita ko ay ang nakakasilaw na ilaw bago ako mawalan ng malay.
YOU ARE READING
Encryptic Codeos
Random"I was supposed to be a normal girl, a normal girl with a simple life. I never wanted to be someone else, the shadow of a person that I used to be. Sana makabalik pa ako sa dating buhay ko, nung wala pa ang katauhang kailanman ay di ko ginustong map...
