Chapter One

44.3K 1.5K 186
                                    

"That's insane. Totally insane!"

Pagkausap niya sakanyang sarili sa harap ng full length view vanity mirror sa loob ng kaniyang silid.

"It's a bit decent way of pimping his own daughter!" She groaned inwardly.

Ipinaliwanag sakanya ng kaniyang ama kanina ang nangyari. One of their most trusted person stole money from their company and now the guy was nowhere to be seen.

Nalubog na ang hotel nila sa utang lalo na nang isa-isa silang iwan ng kanilang mga investors. Ang sabi ng kaniyang ama, the Delaguillas are willing to help their dying business and that is only if she married Pocholo Delaguilla.

Muli siyang napabuntong hininga, ni hindi nga niya kilala ang lalaking gustong ipakasal sakaniya ng kaniyang mga magulang. She doesn't have any piece of an idea about what is he like.

But then, she'll do everything nor marry anyone just to keep her on the society she belongs. Isipin pa lamang niya na mag-hihirap siya'y ikinamanatay na niya.

How could she possibly live without tons of expensive clothing? Without her collections of designer materials? She can't live a day without wealth, that's for sure.

Kaya naman kahit ano, kahit ang pagpapakasal pa sa lalaking hindi niya kilala ay handa niyang gawin.

Hindi siya pwedeng mag-hirap, bukod pa sa hindi niya kaya ay ano nalang ang sasabihin ng mga tao sa paligid niya? No way she's gonna tell her friends about what's going on! Her pride ang ego will never afford it.

NAPALINGON siya sa driver niya nang tawagin nito ang kaniyang atensyon mula sakanyang pagkakayuko sa ipad niya, she's busy doing an online shopping while they're on the road.

"Nandito na po tayo ma'am." Sabi nito.

Her forehead knotted, nilingon niya ang labas ng bintana. She grimaced as she watched how children played across the street.

"This is a slum area, pinaglololoko mo ba ako?" Hindi makapaniwalang sabi niya.

"Ma'am, ito po ang address na nasa card na iniabot niyo kanina." Kamot-ulong sabi ng driver niya bago iabot sakanya ang maliit na puting card na ibinigay niya rito kanina without even reading what's on it. "Paparazzi Studio po, ayan ho iyon."

Napalingon siyang muli sa labas ng bintana, nasa tapat sila ng isang maliit na establisyementong may malaking karatula sa taas na naglalaman ng pangalan ng nasabing studio -Paparazzi Studio.

Niyuko niya ang card na nasa kamay niya upang siguraduhin. Lalong gumulo ang tumatakbo sakanyang isipan.

"Ma'am? Sino ho ba ang pupuntahan niyo sa lugar na ito? Kaibigan niyo ho ba?" Tanong muli nito.

Hindi siya umimik. Hindi niya naman kailangan magpaliwanag dito. He's just a driver.

Dinukot niya ang cellphone mula sakanyang bag at idinial ang number ng ama. In two rings her father picked up.

"Dad! Are you kidding me?!" She snapped immediately.

"What are you talking about Helena?" Kalmadong sabi ng ama.

"You said this card contains the whereabouts of Pocholo Delaguilla?!"

"It does."

"Then what am I doing in a slum area?!" She shrieked.

"Slum area? Helena, the last time I checked that's a middle class subdivision-"

"Subdivision for poor people!" Pagtatama niya. "At anong ginagawa ng isang Delaguilla sa ganitong klaseng lugar?!"

ZWCS#3: Bad RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon