Sabrina's POV
Nandito ako sa hallway ngayon naglalakad papuntang classroom and as usual center of attraction na naman ako.
"Look who's here? mukhang napaaga ka yata ngayon nerd?" Jade said. Isa sa mga bitches sa campus namin at kasama niya 'yong mga alipores niya.
Dumiretso lang ako sa paglalakad without minding them.
"Hey! kinakausap kita" sabi niya sabay hila ng buhok ko.
Sumusobra na siya! Matagal na akong nagtitimpi sa babaeng 'to!
"Get your hands off me" Cold kong sabi sa kanya
"So, sumasagot ka na sa akin?" Naiinis niyang tanong.
Isn't it obvious? Duh! Ang bobo naman pala ng babaeng 'to
"Bitiwan mo ako sabi" sabi ko sabay sampal sa kanya.
Napasinghap naman 'yong ibang studyante dahil sa ginawa ko. Nagbubulong-bulongan pa nga 'yong iba.
"How dare you nerd" sabi niya at bigla akong sinakal.
I-i can't b-breath! Napatingin naman ako sa mga mata niya. Puno ito ng galit
"T-tama n-na di a-ako ma..makahinga ng ma..maayos"
Nagdidilim na din 'yong paningin at sumisikip na 'yong dibdib ko. I'm losing some air in my body.
"Ano ka ngayon nerd? Come on fight me" panghahamon niya sa'kin habang hawak parin ang leeg ko.
Nakaramdam ako ng kakaibang pwersa na lumalabas sa katawan ako at hindi ko alam kung ano ba talaga ang totoong nangyari kasi bigla nalang umulan ng sobrang lakas kahit mainit ang panahon.. nakaramdam din ako na parang lumulutang ako at bigla nalang .....
Rain's POV
Nandito ako ngayon sa Who University dahil sabi ni Headmaster Brylle dito daw makikita ang apat na prinsesa ng mundo namin.
"Bro! Mukhang may nangyayari yata sa hallway" Blaze said.
"Tsismoso ka talaga Blaze" Aeron said at binatukan si Blaze.
"Malay mo may makikita tayong maganda do'n hehe" Clyde.
"Tumahimik nga kayong tatlo" sabi ko at pumunta do'n sa mga nagkukumpulang tao
May nakita akong isang nerd na sinasakal, nakakaawa 'yong mukha niya at halos nahihirapan na din itong huminga nang maayos. Lalapitan ko sana ito para tulungan pero pinigilan ako ng mga kaibigan ko
"Tumigil ka sa balak mo Rain" banta sa'kin ni Aeron.
Tiningnan ko siya at tumango nalang.
"Ano ka ngayon nerd? Come on fight me" sabi no'ng babae na sumasakal sa nerd
Bigla nalang akong nakaramdam ng enerheya na kumokontrol sa tubig. Kaya napatingin ang mga kaibigan ko sa akin.
"That wasn't me" depensa ko sa sarili ko.
Kaya napabaling kami sa nerd na sinasakal pero bigla nalang umulan ng malakas kahit sobrang init ng panahon pagkatapos no'n biglang lumutang ang nerd kaya napabitaw ang babaeng sumasakal sa kanya dahil sa sobrang pagkagulat, maging yung mga guro gulat din dahil sa mga nasaksihan nila ngayon.
"I think you found her Rain" seryosong sabi ni Clyde sa'kin
Agad akong napatakbo sa direksyon ng walang malay na nerd dahil mahuhulog na ito sa lupa. Sumunod naman 'yong mga kaibigan ko sa'kin pagkatapos umalis na agad kami at pumunta sa bahay ko dala-dala ang walang malay na babae.
Nang makarating kami sa bahay inutusan ko 'yong mga maids ko na bihisan si Nerdy girl.
YOU ARE READING
Element Academy
FantasyFour Elements. Water Fire Air Earth Four Ladies with different Attitudes. Magkakasundo kaya ang apat na babaeng ito pag nagtagpo silang apat ng landas. Magagampanan kaya nila ang mga itinakdang tadhana para kanila? Story Title: Element Academy Start...
