13. Five years

Magsimula sa umpisa
                                    

We sat down while drinking tea and she calmly told me:

"Yna, you can either be a Consunji or a Dela Monte. You chose. Kahit ano naman doon ay hindi ka mawawala sa amin – lalo na sa Tatay mo." She gave me a weak smile. I shook my head.

"I've made up my mind, Tita." Sabi ko. "I want to be a Santillan."

Umalis si Tita Laide nang bigo. Hindi na nabago ang desisyon ko. Three months later, nahawakan ko ang mga papeles na nagsasabing ako na si Leighton Selene Santillan Demitri. Hindi ko alam kung matutuwa ako o kung anuman. Two days later, Kath and I flew to Greece, just like what my brother wanted.

And now, here I am again.

Huminto ang kotse sa tapat ng isang malaking building. Kinakabahan ako. I looked up and I saw the sign: Metro Prison. I took a deep breath before entering the premises of that building. Si Kath ang kumausap sa pulis habang ako ay naghihintay lang sa kanya. Hindi nagtagal ay sinamahan kami patungo sa visiting area. Naupo ako sa isa sa mga long benches doon and five minutes later – I saw Kuya Hector. He was wearing an orange shirt and a pair of faded pants. Naka tsinelas lang siya. Nang magtama an gaming mga mata ay nakita ko ang ngiti sa kanyang labi. Masaya siya, masaya rin naman ako pero hindi ko mapigilan ang hindi mapaiyak. I wasn't used seeing him like this – he looked so powerless and weak.

Tumakbo ako kay Kuya. Nang iwan siya ng pulis ay agad akong yumakap sa kanya. He hugged me back. I was crying. Napapaimpit pa ako. Hinahaplos niya lang ang likod ko habang hinahagkan ang noo ko.

"Bakit hindi ko alam na uuwi ka?" Tanong niya sa akin. Pinunasan ko ang luha ko.

"I wanted it to be a surprise..." Mahinang wika ko. He smiled.

"I'm surprised pero huwag kang umiyak." Natatawang sabi niya sa akin. Naupo kami sa bench at doon nag-usap. Kuya convinced me to tell him everything I learned in Greece, si Kath naman ay matamang nakikinig. Maya-maya ay naulinigan ko siyang nagpapadala ng pagkain sa kung sinuman ang kausap niya sa phone. Wala pa akong balak umuwi. Na-miss ko ang kapatid ko kaya hindi pa ako nakakaisip na umalis. I wanted to be with him – kung pwede ko nga lang siyang iuwi na gagawin ko.

Hindi nagtagal ay dumating si Nanay Bining kasunod ang isa pang kasama sa bahay. Kuya Hector stood up and hugged her. Nakakatuwa, we ended up having lunch at jail. Lahat kami ay masaya dahil na rin magkakasama kami. Si Kuya, nagke-kwento siya tungkol sa mga kasama niya sa loob. I'm happy that he managed to have friends in here. Mukhang okay siya dito pero sa tingin ko mas magiging maayos siya kung makakalabas siya.

Alas kwatro ng hapon nang magpasya kaming umalis. I hugged Kuya Hector goodbye and kissed him.

"Babalik ako bukas. I missed you." Sabi ko sa kanya. He nodded.

"If ever you see her..." Kumunot ang noo ko. Alam kong si Ate Yza ang sinasabi niya.

"Kuya, the last time I heard, she's already married. She has two kids." Sabi ko. Ngumiti lang siya sa akin.

"Just tell her how sorry I am." Tumalikod na siya. I watched him as the police took him away. Nakakalungkot. Nag-iisa kong kapatid – hindi ko makasama at lahat iyon dahil sa mga Consunji.

"Leigh?" Kath called my attention. Pasakay na kami sa kotse noon. I sighed.

"The Consunjis thought my brother ruined their life but it is actually the other way around." Malungkot na sabi ko. Nakadama ko ng pagkainis sa sarili. As much as I want to hate them – I couldn't. Mahal ko pa rin ang pamilyang iyon – lalo na ang mga magulang ko

Until you are mineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon