ang story pong ito ay hindi sa akin.. ito po ay sinulat ng isa sa mg paboritong author si PANGARAP86
sana magustuhan nyo
A Night to Remember December 16, 2008
Chapter 1
Third year na sa kursong law si Ayessandra bagamat matalino at matataas ang grado ay di pa rin siya makadama ng kaligayahan dahil na rin siguro sa di naman talaga yun ang gusto niyang kuning kurso dahil mula pagkabata ay pangarap na niyang maging writer na lubos na tinututulan ng kanyang magulang .
At isa pang dahilan kung bakit kahit gusto niyang maging writer ay abogasya pa din ang kinuha nya ay dahil parehong kinikilalang abogado ang kanyang mga magulang at sumunod na din sa yapak ng mga ito ang kanyang nakatatandang kapatid na babae at dahil gusto niyang makuha ang loob ng kanyang mga magulang lalo na ang kanyang ama na sa simula pa lang ay hayagan ng pinapakita sa kanya na di pantay ang pagtingin nito sa kanilang dalawa ng ate niya.
Kung lagi nitong pinupuri ang Ate Lira niya ay kabaliktaran naman nito ang kanya lahat na lang ng lait at pintas ay natitikman niya sa ama kahit minsan sa buhay niya ay di niya pa naranasan ang mapuri at mahalin ng ama samantalang ang Ate Lira niya ay sagana sa pagmamahal at atensiyon nito mabibigyan lang siya ng pansin pag may napuna nang mali sa kanyang ginagawa, Tulad na lang ngayong araw
Tok! Tokk! Tok!
" Bukas yan" mabagsik na sabi ng kanyang ama
" Good Evening dad pinapatawag nyo daw po ako?" ang ninenerbiyos niyang bati dito dahil di siya nito pinapatawag kung di rin lang siya nito pagagalitan or pupunahin .
" Anong klaseng grado ito ha? May gana ka pang ipakita ito sa akin!". ang mabalasik nitong sigaw sabay hagis sa kanya ng papel kung saan nakasulat ang kanyang grado.
" Sorry dad I really try my best but ......."
ang mangiyak ngiyak niyang sagot bagamat matataas naman ang kanyang marka ay di pa din ito sumapat sa pamantayan niya.
" But you are no good!" ang sigaw nito sa kanya na talagang walang bilib kahit noong una pa man
" I told you already that you will fail you are nothing compare to your sister! Ang Ate mo nagtapos ng magna cum laude sa law school, nagtop pa sa bar exam at lagi kaming binibigyan ng karangalan ikaw ano? Puro kahihiyan ang inaabot namin ng mommy mo"
ang galit na galit na litanya nito
" Im just wasting my money on stupid like you" ang mas masakit na dagdag pa nito
" Sige lumabas ka na at lalo mo lang pinagiinit ang ulo ko"
dali dali siyang lumabas ng study room muntik pa siyang madulas sa hagdan dahil sa walang hintong pagpatak ng luha mabuti na lang at nakahawak siya sa railing ng kanilang hagdan kung nagkataon ay bumagsak na siya dahil sa pagmamadaling makarating sa kuwarto niya nagulat pa siya ng maramdaman niyang may pumasok at ng lingunin niya ay nakita niyang palapit ang kanya Yaya.
" Ayessa iha ok ka lang ba?" bakas sa mukha nito ang paalala
" Yes Yaya" aniya bagamat di mapigilan ang pagpatak ng luha dahil sa kanilang bahay na ito ay ito lang ang kanyang kakampi
" Anak na to wag ka nang umiyak hayaan mo na ang Daddy mo alam mo naman ang ugali non" ang alo nito sa kanya
" Yaya bakit ganon kung ituring ako ni Daddy parang hindi nito Anak parang si Ate lang ang mahal niya" ang patuloy na pagsusumbong niya.
" Hindi totoo yan Iha mahal ka ng Daddy mo di niya lang alam kung pano ipaparamdam sayo" ang dagdag pa nito habang hinipo ang buhok niya.
" Mahal e mula ng bata ako di ko man lang naramdaman ang pagmamahal ng Magulang ,, Si Daddy laging galit saakin si Mommy naman laging wala ni hindi ito mapirmi sa bahay kung nandito naman siya lagi lang silang nagsisigawan ni Daddy."
