hindi ito ang tula na para saiyo

32 0 0
                                        

hindi ako tutula para sayo
sapagkat kada salita nandito ay para saatin
dahil kailanma'y hindi nagkaroon ng tayo
kaya sana pagbigyan mo ako
na kahit dito, matupad ang pangarap ko

hindi pa'rin ito tula para sayo
para ito sa mga panahon pati pagkakataon na pinakawalan ko
para ito sa obrang nilikha natin na kahit kailan ay hindi naging totoo
iyon ay ang kulayan yung sana merong 'tayo'

mahal ko, hindi parin para sayo ang tulang ito
para ito sa kaisipan na habang buhay natin dadalhin ang bigat sa kalooban na kailanman ay hindi natin nakulayan ang obra na ating sinimulan

hindi ako tutula para sayo
para ito sa mga pagkukulang ko
umaasa akong mapunan ang lahat ng iyon ng mga salitang bumubuo sa tulang ito
at para lang alam mo...
ikaw lang ang bumubuo sa pagkatao ko

hindi pa'rin ito ang tula para saiyo
at hindi ako makatakas sa mga alaala mo
kung sana pala sinabi mo na mahal mo ako noong mga panahon na kinailangan ko,
baka sakaling tumama iyong salitang 'tayo'

sa buong tula ko
isa lang ang mapapansin mo
wala sa mga stanzang iyon ang para sayo
kaya naman sasamantalahin ko ang pagkakataong ito para ilahad kung ano ang para saiyo

mahal kita

ngayon kalimutan mo na ang lahat ng sinabi ko dahil ang tula nga na ito ay hindi para sayo
at hindi ko hahayaang makarating ito sayo

#WordsLeftUnsaid
#TillNextTimeLove

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 22, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

12:40 AM Thoughts.Where stories live. Discover now