To The Girl I Love The Most

3 0 0
                                        


Isang salita na binubuo ng apat na letra.
Araw-araw binigkas sa twing ika'y nakikita.
Ikaw ang dahilan kung bakit ako naririto.
Utang ko sa iyo itong buhay ko.

Sa araw-araw na binibigay ng Diyos.
Araw-araw kang nagsasakripisyo.
Ginagawa mo lahat para lang kami'y mapabuti.
Mapag-aral at mabigyan ng maayos na pamumuhay.

Ilang taon ka ng nagtitiis.
Ilang taon ka ng nahihirapan.
Mababakas sa iyong palad lahat ng hirap na iyong dinanas.
Aking Inay salamat sa lahat.

Salamat sa pagbibigay sa akin ng buhay.
Salamat sa tiwalang ibinibigay.
Kahit minsan ako'y nagiging pasaway.
Salamat sa walang sawang pagsuporta Inay.

Sa dami ng mga bagay na iyong ginawa
Hindi ko na iisa-isahin pa, basta salamat sa lahat.
Hindi man tayo mayaman, kinukulang man tayo pera.
Hindi na iyon mahalaga basta nandito ka.

Ikaw ang aking lakas sa twing ako'y nanghihina.
Ikaw ang nagbibigay liwanag kapag kapag mundo ko ay dumidilim na.
Ikaw ang gumagamot sa sakit na aking nararamdaman
At ikaw Inay ang aking nag-iisang kaligayahan.


Huwag kang mag-alala, konti na lang.
Lahat ng pawis na tumutulo sa iyong mukha ay mawawala.
Tatapusin ko ang aking pag-aaral at tutuparin lahat ng pangarap.
At alam mo ba ang aking pangarap? Iyon ay makitang masaya at hindi naghihirap.


-

I love you Nay! Salamat sa lahat! Mwah 😘

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 21, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Words Left UnsaidWhere stories live. Discover now