Ely ang tawag sa kanya ng mga ka “BAY”
Lolo naman ang sa amin na mga APO nya
Everything is on Him mula barya hangang pagkain pag nag lambing ka sa kanya
Aminado kami gusto namin na mag baksyon sa kanya kahit masesermonan ka pag lasing na
Zoo nga ang tingin namin sa bahay niya dahil sa alaga at mga tanim nya
Aso,Pusa at iba pa at kung gulay naman mag sabi ka lang lahat may tanim sya
Respeto at Pagalang ang natutunan naming lahat sa kanyang, pag swerte ka may hagupit pa
Belt o patpat ang aabutin mo pag mag mintis ka o makulit na makulit kana
Ang sakit na dulot ng palo noon ay ang syang mamimiss naming lahat ngayon
Coz’ your one of the greatest man I ever known yan ang masasabi ko sa habang panahon
Ang pagiging mabuti mo sa aming mga APO mo yan ang pinag papasalamat namin lahat ngayon
Yabang na lang ang magagawa namin tungkol sa aming napaka madiskarteng lolo
Oras at panahon pa sana ang hiling namin para makilala ka pa nang magiging APO mo pa
Ang pinag dadaanan mo at namin ngayon ay hindi biro dahil sakit na nararamdaman
Muling mahagkan at mayakap ka ang tangi naming hiling na mahirap mapagbigyan
Ang mga luto mo sa ulam na kakaiba ay di na namin matitikman
Ngayon alaala nalang ang maalamat mong pakisiw na aabot ng isang buwan
Tanging sa ganitong paraan ka nalang namin maalala
Ewan ko kung meron kayong tulad nito pero ito ang “Lolo Kong Kalbo”
