Isa, dalawa, tatlo.
Tatlong hakbang papalayo sayo.
Pagdating sa pangatlo, ako'y hihinto ngunit hindi para lumingon kung di para tanungin ang sarili ko.
Handa na ba talaga ako?
Isa, dalawa, tatlo.
Bakit ang bigat ng pakiramdam ko.
Tila hindi ko pa kayang humakbang papalayo. Papalayo sa mga alaala mo at lalong lalo na sayo.
Isa, dalawa, tatlo.
Kapag hindi pa ako tumuloy alam kong masasaktan lang ako.
Dahil ang taong matagal kong ipinaglaban matagal na palang sumuko.
Isa, dalawa, tatlo.
Bakit tila pinipiga ang aking puso?
Akala ko ba'y matagal na itong sumuko?
Bakit ngayo'y tila gustong bumalik sayo.
Isa, dalawa, tatlo.
Lilingon ba ako?
Kapag ginawa ko ba ito makikita pa kita sa dating kinatatayuan mo? O baka sa paglingon ko'y makikita kitang nauna pang lumayo.
Isa, dalawa, tatlo.
Hahakbang na ba ulit ako?
Hindi mo ba talaga ako pipigilan sa aking paglayo ?
Kahit batid mo na sa aking paglayo ito na ang huli nating pagtatagpo?
Isa, dalawa, tatlo.
Pagbibigyan pa kitang pigilan ako.
Dahil ang totoo'y ikaw pa rin ang mahal ko.
Kahit alam kong ako'y balewala na lang sayo.
Ngunit kung ito na talaga ang nais mo, tutuloy na ako.
Tutuloy at hindi na muling lilingon.
Kakalimutan ko na ang ating kahapon at ang lahat ng alaalay akin ng itatapon.
At sa bawat hakbang ng paa,
wag kang magtaka sa pagsabay ng luha.
Mga luhang hindi mapilan sa pagpatak,
dahil ang puso ko'y lalayo sayong wasak.
Isa, dalawa, tatlo.
Sa huling pagkakatao'y lilingon ako.
Lilingon upang magpaalam sayo.
At sa bawat pagkaway ng kamay ay siya namang pagkawasak ng puso.
Isa, dalawa, tatlo.
Paalam na sayo mahal ko.
Hindi na ako aasang muli tayong magtatagpo.
Dahil ako na mismo ang iiwas sayo.
YOU ARE READING
tatlong hakbang papalayo sayo
Poetrymahla tatlong hakbang lalayo ako sayo kase ayaw kona
