Chapter 2 "Knowing Zan"

1.2K 55 18
                                    

Lumipas ang magulong gabi at nagising si Zan sa kanyang kwarto na naabutang pinupunasan ni Emma ang kanyang sugatang ulo

Ups! Tento obrázek porušuje naše pokyny k obsahu. Před publikováním ho, prosím, buď odstraň, nebo nahraď jiným.

Lumipas ang magulong gabi at nagising si Zan sa kanyang kwarto na naabutang pinupunasan ni Emma ang kanyang sugatang ulo.
"What the! Anong ginagawa mo sakin!! Lumabas ka!!" Galit na sigaw ni Zan.
Samantalang sa pagka-gulat, si Emma naman ay dali daling lumabas ng kwarto.
"So..sorry po Sir, lalabas na po ako." Sagot ni Emma na nanginginig sa takot habang palabas ng kwarto.

Sa gitna ng malakas na Hang Over, at sakit ng sugatan n'yang ulo, pinilit pa rin ni Zan na alalahanin ang nangyari ng mga gabing iyon. Tumingin sa paligid at ng marealize n'yang nasa loob lang s'ya ng kwarto n'ya, kumalma ito at pasigaw na tinawag ulit si Emma.
"Emma!! Emma!! Nasaan si Arjay?! Tawagin mo si Arjay bilis!" –Zan.
Kasabay ng pag-sagot ni Emma ng "Sige po Sir", ay ang biglaan namang pag dating ni Arjay.
Pumasok ito sa kwarto at binuksan ang T.V.
"Buti naman at gising ka na. Masyadong maraming media sa labas ng condo mo, kaya dito nalang kita pinadala sa bahay n'yo. Ayan panuorin mo." Banggit ni Arjay na nakaturo sa T.V.
"Ayan, laman ka na naman ng mga balita. Isang sikat na Rock Icon ang nang-gulo sa isang Bar kagabi." Dagdag ni Arjay na pailing-iling pa.
"Hindi naman ako ang nag-simula non, magpatawag ka na lang ulit ng Press Con. para ipaliwanag na hindi ako ang nag-simula at biktima lang ako. Ito naman parang hindi na nasanay." Nakangiting sagot ni Zan habang pumwepwesto ng komportable sa higaan.
"Bro, hindi mo lang alam kung anong pag-papaliwanag sa mga pulis ang ginawa ko kagabi para lang hindi ka nila hulihin pagkagising mo!" Pasigaw na sagot ni Arjay at dinagdagan pa n'ya ng, "Ayan nakita mo ba ang mga post sa Social Media?! Puro pangba-bash ang inaabot natin, na kesyo "Mayabang ka naman daw talaga" at "Akala mo daw kung sino ka", maraming kumuha ng video at kitang kita doon na ikaw talaga ang nagsimula kaya this time kalokohan na kung magpapatawag pa ko ng Press Con. para lang linisin ulit ang pangalan mo." Galit na paliwanag ni Arjay.

Hinihintay n'ya ang sagot ni Zan pero hindi na ito nag-salita.
"Okay. Okay. Pointless kung magsisisihan pa tayo. Dapat siguro mag-palamig muna tayo at hintaying mawala ang issue. Uutusan ko din ang buong kampo natin na h'wag ng patulan to." Malumanay na banggit ni Arjay.

"Oh yun naman pala eh, sabihan mo na rin ang Fans Club ko na ipagtanggol ako sa issue na yan. Hahaha, kahit naman anong ipagawa sa kanila basta galing sakin susunod yung mga yun eh.Hahaha. Tsaka gawin mo nalang kung anong trabaho mo, na-sweldo ka naman dahil sakin diba." May halong yabang na banggit ni Zan.

Huminga ng malalim si Arjay at sinabing,
"Bro, makinig ka. Hindi ko sinasabi to as a Manager mo, kaibigan mo ko at handa akong intindihan ka sa abot ng makakaya ko. H'wag mo namang itulak palayo ang mga taong concern sayo, you know what? Mabuti pa mag-pahinga ka nalang muna. Baka hindi pa nawawala ang alak d'yan sa ulo mo. Aalis muna ako para mag-isip kung paano malulutas tong issue na to." Sagot ni Arjay habang palabas ng pinto.

Nang masigurong wala nang tao sa kwarto, dumilat na si Zan sa pagkukunwari n'yang pag-tulog, tumayo similip sa bintana habang tinatanaw ang kaibigan n'yang si Arjay na pasakay sa Kotse.
"Mga walang kwenta. Kung hindi dahil sakin, hindi n'yo alam kung saan kayo pupulutin." Banggit ni Zan sa sarili.

I Met Me.Kde žijí příběhy. Začni objevovat