The Bad Boy's Broken Heart

295 16 9
                                    

Reminder:This is not the typical Hanamichi Sakuragi that we knew.

Prolouge

" Sakuragi! You need to fix yourself. Sa tingin mo ba matutuwa sya kapag nakita kang nagmamatigas na naman? Hayaan mo munang magamot yung sugat mo ng mga nurses. "

Bigla akong nawalan ng ganang magwala ng maalala ang mga bagay na ayaw nya. Bigla akong natahimik at kahit na anong pigil pa ang gawin ko ay tuloy tuloy ng pumatak ang luha ko sa magkabila kong mata.

"God! Ang laki ng sugat mo! Kailangan din tong matahi kaagad!"

Mabilis na napigil ko ang balak na pag alis ni Hanako para siguro tumawag ng doctor at umiiyak na napatitig sa mga mata nya.

"Okay lang sya di ba? Magiging okay lang sya! Hindi ba? Tama ako?"

Kita ko ang mariin na pagkagat nya sa ibabang labi nya at ang tila pagpipigil nitong maluha.

"Damn!" Malakas na napasuntok na lang ako sa pader dahilan para mapasigaw na naman ang mga tao sa paligid ko. Pero wala na kong pakialam.

"Hoy gunggong! Tigilan mo yang pader! Hindi lalaban yan!"

Gulat na napatingin ako sa lalaking bigla na lamang naupo sa tabi ko.
Hindi ko alam na nakabalik na pala sya mula sa amerika. Hindi rin naman kasi sya dumalo sa... Kasal ko.

Ilang sandaling natahimik ako bago dahan dahang napaupo na rin sa tabi nya.

"Ayusin mo ngang sarili mo! Hindi ka na nga gwapo ang pangit mo pang umiyak!"

Sa halip na mapikon,bahagya pa kong natawa sa mga komento nya tungkol sa akin. Natural! Hindi sya ang dakilang si Kaede Rukawa kung puro magagandang salita ang sasabihin nya sa akin.

Hindi ko maiwasang mapatingin sa gawi nya pagkatapos ay ilang beses na napailing.

"Alam mo bang gustong gusto ka talaga nya nung nasa high school pa tayo?  Ilang beses pa nga na gusto kong tapalan ng dyaryo yang pagmumukha mo para lang hindi ka nya makita!" Bahagya akong natawa pagkaalala sa mga bagay na iyon. "Akala ko wala na kong pag asa! Hindi uso sa akin ang sumuko! Pero pag dating sa kanya lumalambot talaga ko. Naduduwag ako. Wala eh. Pakiramdam ko sya talaga ang buhay ko. Kaya sabihin mo nga Kaede! Paano ba kong hihinahon ngayon? Putang ina! Ang hirap!" Pilit na nagpapakatatag ako pero ayaw tumigil ng mga luha ko mula sa pagtulo.

Tahimik lang naman si Rukawa sa tabi ko. Naramdaman ko lang ang mahina nyang pagtapik sa balikat ko na para bang iyon na ang pinakakonsolasyon nya sa paghihirap ko.

Mariin na ipinikit ko ang mga mata ko at muling umusal ng panalangin. Hindi ako palasimbang tao. Pero ngayong gabi. Halos hindi ko na mabilang kung ilang beses akong tumawag at nanalangin sa kanya. Umaasa ako na sana... Kahit ngayon lang. Pagbigyan nya ako.

Pero mukhang ang umasa talaga ang isa sa pinakamasakit na bagay na pwede nating gawin.

Isang bagay na hinding hindi ko na uulitin.

"Sino pong kamag anak ng pasyente?"

"Ako! I am the husband!"

Mukhang nagulat pa ang doctor sa biglaang pagtayo ko kaya ilang sandaling nanatiling nakatitig lang sya sa akin.

"Doc?"

"I'm sorry... We already did our best but She didn't make it...bumigay ang puso nya habang nasa ikatlong bag na kami ng dugong isinasalin..."

Marami pa syang paliwanag na sinasabi pero parang hangin na dumadaan na lamang yun sa magkabila kong tenga. Wala akong maramdaman!

Basta sa huling tinig na narinig kong nagsasabing...

"Wala na Si Haruko!" Malakas na iniumpog ko ang noo ko sa sahig na nasa harapan ko.

Pero wala. Walang wala ang sakit ng ulo ko sa sakit ng puso ko ngayon.

Dahil ng mga sandaling iyon. Pakiramdam ko ay kasabay nyang kinuha ang buhay ko... Dahil si Haruko Akagi lang ang nag iisang buhay ko...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 18, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Bad Boy's Broken HeartWhere stories live. Discover now