Prologue

106 7 0
                                        

"Last practice na natin 'to! Magsisimula na yung program!" Sigaw nung leader namin. Nakakainis! 'Di ko naman talaga hilig ang ganto eh. Wala akong hilig gawin. Kung meron may ay kumain at humilata lang. Pinilit lang ako ng mga hinayupak kong pinsan! Pati si Lola ay pinilit lang rin ako. Kung hindi ako pinilit ni Lola ay hindi talaga ako sasali dito. Pero kung sasaya siya sa pag sali ko, masaya na rin ako.

Natapos ang last practice namin at pumunta ng 'dressing room'. Magpapantalon sana ako kaso meron palang nakaorganize na damit para sa amin. At ang napakaganda, paldang kulay grey at puting croptop na sa gilid nito ay may logo ng 'Ashton University' na pagmamayari naming mga Ashtons. Ang ganda ng damit 'no? Tss.

"Sige na Ms. Ashton. Please! Kailangan talaga." Umiiling pa rin ako dito sa baklang kanina pa ako kinukulit na suotin 'yon. Aalis na sana ako nang biglang dumating si Lola.

"Akin na. Magbibihis na ako." Kinuha ko yung damit sa bakla at nagpalit nga. Nakakinis talaga!

"Ay baboy!" Halos mapasigaw na sabi nung bakla. "Ah--Eh--You-You look so gorgeous Ms. Ashton." Lumiwanag naman ang mukha ko. Pero parang may mali eh.

Pagkatapos nila akong purihin ay sakto namang magpeperform na kami. Ako pa naman itong nasa gitna. Si Lola kasi eh!

Sandaling natahimik ang mga manunuod na lahat ay nakatingin sakin. Ngumiti nalang ako at sumayaw nalang. May mali talaga eh.

Nang matapos ang performance namin ay pumunta kaming back stage para mag palit. Ako naman itong isinugod ang sarili sa banyo at mabilis nagpalit.

Ashton's Fan  
5 minutes ago.

Nakita ko doon ang video ng sayaw namin. Habang pinapanood ko 'yon ay lumulukot ang ekspresyon ko. May mali talaga. Nang matapos yung video ay tinignan ko ang mga comments.

Grabe ang gagaling nila!

Dapat talaga ako yung nasa gitna eh. Mwehehehe. Charot.

Kyahhh!!! Ang ganda nung nasa git--joke. Whahahahahhahha!

Sana yung apat nalang nag perform.

Isang comment lang ang nakakuha ng atensyon ko.

Wag kayong plastik! Ang sabihin niyo natatabaan kayo kay Madison! Ang sabihin niyo nandidiri kayo! Parang ako! Pare-parehas lang naman tayong nandidiri sa kanya. Tigilan niyo 'yang mga kaplastikan niyo. Tss.

May luhang tumakas sa mga mata ko. Kaya ba? Kaya ba nasabi nung bakla na BABOY? Kaya ba nung nakatingin sila sakin ay natahimik sila dahil sa itsura ko? Kaya ba yung iba nakikipag kaibigan lang sakin para mapalapit sila sa mga pinsan ko? Ba't ang manhid ko? Kaya pala araw-araw may nagbibigay sakin ng kung ano-ano makasama lang nila ko dahil alam nilang kasama ko ang apat. Ganoon ba 'yon?! Ngayon naiintindihan ko na kung bakit sila mababait sakin. Napakatalino ko sa klase pero dito nabobobo ako! Ang slow ko!


•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°
°End of Prologue°

"Ugly" To "Goddess"Stories to obsess over. Discover now