Out of Focus

39 2 0
                                        

8:07 am. I'm at Vallejo Resort.

Pagtingin ko sa relo ko. Medyo nagmamadali ako ngayon kasi hinahabol ko yung next boat para sa tour and transport nadin papunta ng beach na pag-iistayan ko this night. And yes, only me sanay na ako.

Nandito na ako sa entrance ng hall.

"Magandang Umaga." Bati ng mga staff sa entrance.

In fairness ang ganda ng lobby nila sobrang pleasant sa mata tsaka ang relxing ng aura. Mabango din yung mga fresh flower arrangement nila. Talagang sa lobby pa lang relaxed ka na what more kung nasa beach ka na.

Nandito na ako sa registrar para i-check yung reservation ticket ko for cottage habang ineenjoy ko yung music. Chine-check na ng babae yung ticket and napalingon ako tapos may nakita akong lalaki na may kasamang babae. Familiar yung lalaki.

"Sir? Ito na po yung pass." Registrar

Inabot ko yung pass then dumiretso na ako sa deck papuntang boat. (Inhale-Exhale) Ang sarap ng hangin. Habang naglalakad ako nabangga ako nung lalaking nakasalubong ko. Hindi ko nalang pinansin.

Pero yung dalawang nasa likod ko may inabot sa akin.

"Bro, wallet mo." Vincent

Inabot ko yung wallet. "Salamat." Tinitigan ko yung lalaki dahil mukha nga siyang pamilyar and nagulat ako. "Vincent?"

"Axel? Ikaw nga!" Vincent

Si Vincent nga. Wow, after 5 years.

"Hi Axel? I'm Breanna."

Nakipagshake hands yung girl.

"Hi! Girlfriend mo?" Tanong ko kay Vincent.

"Umm, yes." Ngumiti siya ng may pagka-awkward.

"What a coincidence! So ano? Tara?" Breanna.

"Yeah I think we should go." Sinabi ko g nakatitig parin kay Vincent.

Nakarating na kami sa boat and umupo na.

Nagkatabi kami ni Vincent dahil nga nakagilid yung upuan dahilan naman para magkaharap yung mga passengers.

Na-awkward ako kaya tumayo ako and pumunta sa front deck ng boat para makaiwas sa tahimik na atmosphere.

Hindi ko alam na sinundan pala ako ni Vincent. Nakita ko siyang tumabi sakin, biglang lumakas tibok ng puso ko. Ganito yung una kong naramdaman noong una ko siyang makita. Nagdikit yung braso naming dalawa.

"Di ka parin nagbabago, gwapo ka parin." Nasabi ko out of nowhere. T_T

"Haha, ikaw rin cute ka pa rin."

Kinilig ako yun lang.

"Natuwa ako kasi hanggang ngayon ginagamit mo parin yung wallet na binigay ko sa iyo noon." Vincent.

"Syempre naman ito na lang yung natirang alaala ko sa'yo simula nung huli nating pagkikita. Pero siguro hindi na talaga. (sigh) Ang ganda niya." Nginitian ko siya ng may halong lungkot sa mata. "Tara balik na tayo baka mag-isip na yun, haha."

Pinigilan niya ko. Hinawakan niya yung braso ko.

"Namiss kita." Vincent.

Nginitian ko ulit siya. "Ako rin. Balik na tayo?"

Forget Me NotStories to obsess over. Discover now