"Pangako, babalik ako. At ikaw ang pinakamagandang rason para bumalik ako. So please, I know this sounds so selfish but I want you to wait for me 'til I come back."
Kasabay ng pagpatak ng oras, muli nanamang pumatak ang mga luha mula sa aking mga mata. Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga atsaka pinahpid ang aking mga luha.
August 08, 2009
Babe, kamusta ka jan? Lagi ka bang kumakain sa tamang oras? Baka hindi ah. When are you coming home ba kasi, I really miss you a lot. Fifth year anniversary na natin oh at 2 years na tayong hindi magkasama. Congrats nga pala babe ah? Balita ko natapos mo na daw ang engineering course mo, sana umuwi ka na din. I love you babe.
Nang matapos ako sa ginagawa ko ay nahinto na rin ako sa pag-iyak. Halos every week rin akong gumagawa ng voice mail para sakanya. Ngunit ni isa ay wala akong natatanggap pabalik, hindi parin siya sumulat, nagtext, o tumawag man lang. Minsan, naiisip kong sumuko na pang ngunit parati kong naaalala ang pangako niya.
Ang pangakong pinanghahawakan ko, ang pangakong nagbibigay lakas saakin, ang pangakong nagbibigay-pag-asa saakin. Ayokong bitiwan nalang iyon dahil sa ngayon, iyon ang ugnayan ng aming relasyon namin.
*ding dong*
Agad akong napatingin sa pinto ng aking condo nang marinig iyon. Dahan-dahan at parang walang gana kong binuksan ang pintuan.
"Jade!" ani nang isang tinig ng lalaki.
Nangunot ang aking noo at dahan-dahang nagtaas ng tingin. At ganun na lang ang panlalaki ng aking mga mata nang makita siya sa harapan ko.
"B-babe?" ang tanging naiusal ko.
Hinigit niya ako atsaka niyakap nang napakahigpit. Hindi ko magawang yakapin siya pabalik sa sobrang gulat. Nangilid naman ang mga luha ko nang mas higpitan niya ang pagkakayakap. Nanatili kaming ganon hanggang sa kusa siyang kumalas at sinakop ang aking mga pisngi gamit ang kaniyang mga kamay.
"Y-you're back?" ani ko.
"Yes, I am."
KAMU SEDANG MEMBACA
Until We Meet Again
RomansaPanghahawakan ko ang iyong pangako na ika'y babalik. Until we meet again..
