CHAPTER 2

1K 26 1
                                    

"So what is your answer Hon?" Sabik na tanong ko kay Antonette.

Bumuntunghininga muna ito bago umiling.

"Mikhail....I...I'm not ready to settle down pa" sagot nito na kinalaglag ng puso ko.

Nanghihinang nabitiwan ko ang singsing na hawak hawak ko at saka kuyom ang kamao na tumayo na mula sa pagkakaupo ko.

"H---hon wait!" Maagap na nahawakan ako ni Antonette sa braso ko at humarap sa akin.

"Let me explain first" napatiim bagang ako at marahas na pinalis ang kamay nito sa braso ko.

"Explain what?! Antonette seven years na tayong dalawa since high school sa iyo na umiikot ang mundo ko---"

"Yun na nga eh! Napakatagal na natin na magkasama,to the point na alam na natin ang routine ng isa't isa and I need this urge to explore, try something new, do something, achieve for myself" paliwanag nito.

"So dahil dun you said no in my marriage proposal to you mas mahalaga pa ang pagmomodelo mo kaysa sa akin alam mo naman na papayagan pa rin naman kita na magmodelo kahit na mag asawa na tayo pero may limitasyon nga lang" puno ng hinanakit na sumbat ko dito.

Mahal na mahal ko sya at gusto ko na syang makasama sa iisang bubong,

At napakasakit na yun akala mo iisa kayo ng gustong mangyari tapos isasampal sa mukha mo na nagkamali ka ng akala.

Sya ang pangarap ko,

Sya ang buhay ko,

At akala ko we feel the same... but I was wrong....

"Yun na nga eh....I mean...Mikhael" Antonette heave a sigh. "
That's not what I meant...please naman Mikhael try to understand me, matagal ko nang pangarap ito at ngayon ay unti unti nang natutupad at achievement ito para sa akin kaya naman please Mikhail, don't make me choose between you and my career" anito at tinangka na yakapin ako pero mabilis na umiwas ako.

Nasaktan kasi ako sa sinabi nito na mas kaya pala nitong piliin ang career nito kaysa sa akin.

Di man nya direktang sabihin pero ramdam ng puso ko na yun din ang tinutumbok ng mga salita nya.
"Pagod na pagod na ako Antonette na intindihin ka" mahinang sabi ko at saka naglakad na papalayo dito.

"Mikhail naman!" Anito pero nagtuloy tuloy na ako papalayo dito....

I need to get away from her...because if I did not,

My heart will be broken...

-----------------------

"Sir Mikhail handa na po si Lancelot" wika ni Mang Sol sa akin.

Si Lancelot ang paborito kong kabayo.

Tumango ako dito at nagpunta na sa kuwadra.

Pagkakita ko kay Lancelot na marahan na hinihila ng isa ko pang trabahador papalabas ng kuwadra ay agad na nilapitan ko ito saka hinaplos ang malambot na buhok nito.

"Lancelot...." tawag ko dito at ilang saglit pa ay sumakay na ako dito.

Gusto ko na makapag isa at makapag isip at para na din pahupain ang sakit ng kalooban na nararamdaman ko ngayon.

It's been one week magmula nung gabi na yun at umaantak pa rin sa puso ko ang sakit at dahil masama pa rin ang loob ko sa pagtangging ginawa ni Antonette sa alok na kasal ko para sa kanya....

Di ko talaga inaasahan na tatanggihan nya ako.

Ang akala ko mag iiiyak ito sa tuwa saka lumalagutok na Yes ang isasagot ni Antonette sa akin....

Yun pala kabaligtaran ang nangyari...

Napatiim bagang ako sukat sa isipin na yun at kasabay nang sakit na nararamdaman ko sa dibdib ko ay napalakas na pala ang paghampas ng paa ko kay Lancelot dahilan para bumilis ang pagtakbo nito na di ko napaghandaan kaya naman nabitiwan ko ang renda nito at nawalan ng balanse at saka namalayan ko na lamang na bumulagta na pala ako sa maputik na lupa at tila may natamaan ang kanang tuhod ko sa malaki at magaspang na bato habang ang ulo ko naman ay nasipa nang paa ni Lancelot kaya naman parang naliliyo ako.

"Shit!" Di ko napigilan na di mapamura nang tangkain ko na bumangon at di ko na maigalaw ang katawan ko sa sobrang sakit.

"Bullshit!" Muling mura ko nang mapasubsob ako sa putikan ulit.
Nagsisimula nang magdilim ang paningin ko at maramdaman ko na namamanhid ang kanang tuhod ko na tumama.

"Sir Mikhail!" Tinig ni Mang Sol ang nadinig ko bago ako nawalan ng malay.

SOMEONE'S WICKEDWhere stories live. Discover now