Prologue:

2 0 0
                                        

Prologue:

[Playing Loud Music.]

"Yuhooo!"

sigaw ni Evans habang umiindayog sa saliw ng musika na may hawak na alak sa kaliwang kamay.

"Happy Birthday Evo"

Sambit ng mga kaybigan nito sa kanya.

Kasalukuyang pinagdidiwang nila ang kaarawan ni Evo sa yate na bumabaybay sa ma asul na dagat habang tirik na tirik si haring araw.. .

Tanging silang pitong magkakaibigan lamang ang magkakasama sa yateng iyon at nagpapakasaya.

"Hoy bro. kelan mo ba balak mag settle down?,padagdag ng padagdag iyang edad mo aba!. Baka mapagiwanan ka na ng Tropa."

Sambit naman ni West sa kanya.

"Your right! kita mo yang si Cliff.."

Sabi naman ni Jude kay Evo ng inginuso nito si Cliff na pumasok sa may kwarto ng yate upang madinig ng maayos ang kausap nito sa phone.

"Kahit under sya ni Jane masaya pa din sya."

dag-dag pa ni jude.

"Kayo nalang ata ni Dwayne ang tatandang magkasama"

At humalhak pa ito na ikinangiti lamang ni Evo.

"Wag nga kayong mainip dadating din tayo dyan."

Sambit naman ni Dwayne ng makalapit ito sa kanila.

"Guys you know me,wala pa sa isip ko ang mga ganyang bagay. Settle down my ass,tsaka na muna iyan pag ka alam kong tinamaan na ako."

Proud na sabi ni Evo sa mga kaybigan.

"What?,hindi ka pa ba tinatamaan sa isa sa mga naging babae mo?"

gulat na tanong ni West.

Nagkibit balikat lamang si Evo sa sinabi ni West.

Lumapit sya kina Jude at West at nilundag ng akbay ito.

"I'll told ya,kapag tinamaan na ako. As for now LETS HAVE SOME FUN YUHOOO!!!"

Nang mapagod kakasayaw si Evo ay nagtungo sya sa taas ng yate upang salubungin ang malakas na hangin.

Napapikit pa ito ng tumama sa mukha nya ang hanging dumating at ng imulat nya ang mata nya ay naramdaman nyang parang may nakatingin sa kanya.

Malakas ang kutob nya na meron nakatingin sa kanya kaya naman napatingin sya sa kanan nya at napatitig sa nakita.

Isang babaeng kay aya-aya ng mukha at parang tubig sa dagat na parang kay amo.

Nang magkatamaan ang tingin nila ay bahagyang nanlaki ang mata ng babae na nasa dagat.

Pinagkatitigan nya itong mabuti kung totoo ang kanyang nakikita o dahil lamang ito sa alak.

Ngunit sanay sya sa alak kaya imposibleng malasing sya agad.

Nagulat sya ng akbayan sya ni Luke kaya napatingin sya sa kaibigan.

"Anong ginagawa mo dito,andun sa baba ang party.."

Tanong ni Luke.

Napatingin muli sya sa kinaroroonan ng babae ngunit wala na ito duon.

"Hoy Bro.!"

tawag ni luke sa kanya.

"Bro.I think tinamaan na ako."

........

BADMAdamn

The Beauty in the sea.Geschichten, die süchtig machen. Entdecke jetzt