"Sabihin mo sa'kin, may nangyari ba kaya natagalan kang umuwi?" naunahan niya kong magtanong.

Nag-iwas na naman ako ng tingin. "Wala."

"Amoy dugo ka kasi.." aniya. Matalas pala talaga ang pang-amoy ng mga bampira. Naamoy niya siguro ang dugo ni Saber na kumapit sa'kin. Seryoso siyang nakatingin sa mga mata ko. "Sabihin mo, ano bang nangyari?"

"Wala ka na dun," iritable kong sagot.

Medyo tumaas na rin tuloy ang tono ng boses niya. "Di ba ang sabi ko sayo dapat lagi kang may kasama?"

"May nagligtas naman sa'kin eh."

"Kita mo na, may nangyari nga."

"Ano bang pakialam mo?!"

"Sabihin mo na lang kasi kung anong nangyari!"

"Bakit? Pag ba sinabi ko mahihilom ba nun ang sugat ni Saber?!"

Doon lang siya natigilan. Nakita kong kumunot ang noo niya. "S-Saber?"

"Yung nagligtas sa'kin.." muli akong nag-iwas ng tingin. Bakit ba bigla akong nahiya nang banggitin ko si Saber?

Sa puntong iyon ay muli na naman akong nakaramdam ng pagkahilo. Akala ko nga ay babagsak na 'ko sa kalsada ngunit maagap ang prinsipe at nahawakan niya agad ang braso ko.

"Ayos ka lang ba?"

Umiikot pa rin ang paningin ko kaya hindi ako makasagot. Naramdaman ko na lang na binuhat ako ng prinsipe at ipinasok sa loob ng bahay. Mabuti na lang talaga't malalim na ang gabi at tulog na sa mga oras na 'to ang mag-iina. Tumungo kami sa kwarto ko at inihiga ako sa kama.

"May sakit ka.." nasambit niya nang hipuin niya ang noo ko. Nakita kong lumabas siya ng kwarto. Pagbalik niya ay may dala na siyang maliit na palanggana na may tubig at bimpo.

Humatak siya ng upuan at umupo sa tabi ko. Hinubad niya ang medyas at aking sapatos. Nakita kong piniga niya ang bimpo at marahang pinunasan ang aking noo, pababa sa aking pisngi at leeg. Pinunasan niya rin ang braso at mga kamay ko. Tapos ay pinigaan niyang muli ang bimpo at hinayaan ito sa aking noo.

"Sorry, hindi ako gaanong marunong mag-alaga ng may sakit." sabi niya habang kinukumutan ako. "May gusto ka bang hingin?"

"T-Tubig..." pinilit kong magsalita. "Gusto ko ng tubig."

Agad namang tumalima ang prinsipe. Lumabas siyang muli ng kwarto at pagdating niya ay may dala na siyang isang basong tubig.

"Salamat.." sabi ko pagtapos kong uminom.

Muli akong bumalik sa pagkakahiga. Pinigaan ulit ng kamahalan ang bimpo ko at muling ipinatong sa aking noo.

"Matulog ka na, Cinderella.." narinig kong sambit niya. Nakakatawang naaalala niya ang pangalang iyon. Naramdaman ko na lang na nilalaro niya ang buhok ko habang ang isang kamay niya ay hawak naman ang kaliwa kong kamay. Wala na 'kong lakas na magprotesta pa kaya hinayaan ko na lang siya. Nakaka-kalma ang kanyang ginagawa. Naramdaman kong bumibigat na ang talukap ng aking mata at tuluyan na nga akong hinila ng antok.

Nang magmulat ako ng mata ay ako na lang mag-isa sa aking silid. The clock says its 5:39am. Nang ibaling ko na naman ang tingin ko sa may study table ay may nakakita 'ko isang mangkok ng lugaw. I can't help but to smile. Sinong mag-aakala na marunong palang magluto ang isang Sven Ishvara? (Ang tanong eh siya nga ba ang nagluto?)

Bumangon ako at lumapit sa lamesa nang may mapansin akong hawak sa kaliwa kong kamay. Nang buksan ko ang palad ko ay tumambad sa akin ang isang itim na balahibo.

What the hell?!

***

Naalimpungatan ako nang makarinig ako ng mahinang katok sa pinto. Napatingin ako sa orasan, alas otso na pala ng gabi.

Midnight FairytaleWhere stories live. Discover now