Chapter 1: A Theif in the House?

5 0 0
                                        

Matagal na kaming nakatira sa aming bahay dito sa bicol.

Maraming mga masasarap na pagkain, malinis na hangin sa probinsya, at maraming mga teddy bears na pwedeng pag laruan!

Ako si Barbar, isang 8 taong gulang na bata!

Mahilig ako sa mga teddy bears! Kaya ngayun, uuwi ang tito ko na may pasalubong na bagong stuffed toy na rabbit!

Excited na excited na ko!

Nakatulala lang ako sa labas ng bintana namin buong magdamag masalubong lang si tito.

"Huy Barbar! Kumain ka na! Kanina ka pa dyan ah! Wala namang ibang kukuha ng pasalubong na para sa'yo, ikaw lang.."

Sigaw ni mama habang naghahanda ng almusal sa kusina kasama sina ate Blunene, at ate Angel.

"Oo nga bunso dali na! Hala ka uubusan ka namin!"

Panakot ni ate Angel.

"Okay!"

Pero bago pa man ako makapunta'y may narinig akong tricycle na huminto sa harap ng aming bahay.

Alam kong si tito na yun, kaya dali dali akong tumakbo sa may pintuan.

At nang nabuksan ko ang pinto'y nagbungad sa muka ko ang napaka luma at sira sirang teddy bear.

Nagulat ako at umatras palayo ng kaunti.

"Oh bakit? Pangit ba Barbar?"

Tanong ni tito sakin.

"Alam mo, yang stuffed toy na yan ay akin mula pagkabata ko pa."

At iniabot ito sa'kin ni tito, kaya dahan dahan ko itong kinuha.

Sa bagay, kulang lang naman siya ng isang mata't medyo mapusyaw na rin ang kulay.

"Ngayong matanda na 'ko, sa tingin ko ikaw naman ang mag alaga sa kanya. Kaya mo ba?"

Tumango ako ng malumanay, habang karga ang teddy bear.

"Oh Bryan! Andito ka na pala! Tara kain na!"

Anyaya ni mama kay tito.

"Ah salamat, nagugutom na rin ako dahil sa haba ng byahe eh."

Pumunta si tito sa hapag kainan.

"Huy Barbar! 'Di ka ba kakain?"

Tanong ni mama.

Tiningnan ko yung stuffed toy na baboy at linapag ng dahan dahan sa upuan upang kumain.

Pag dating ng gabi, habang ako'y nag aayos ng aking tutulugan, tiningnan ko ang stuffed toy na ipinangalanan kong creepog, at parang may kakaiba akong nararamdaman sa kanya.

Hindi ko yun alam kaya natulog na lang ako.

Pagsapit ng hating gabi'y may bigla akong narinig na ingay sa kusina na parang may nag hahalungkat sa fridge namin.

Masyado akong natakot kaya'y hinintay ko na lang na gumising si mama at tingnan iyon.

Pero maraming minuto na ang nakalipas at di pa rin ni mama iyon tiningnan.

Kaya, tumayo ako ng dahan dahan sa aking higaan at lumabas ng kwarto ng walang ingay kasi baka magnanakaw ang nasa kusina namin at baka'y barilin niya ko.

Pero nang pagdating ko sa may kusina ay wala naman akong nakitang magnanakaw na naghahalungkat ng mga pagkain sa ref.

Tumigil din ang ingay bago ako nakarating dun.

Kinabahan ako kasi baka ay nalaman na ng magnanakaw na alam kong andito siya, kaya'y dali dali akong pumunta sa kwarto at linock ang pintuan nito.

Tumago ako sa ilalim ng kumot ko upang makaiwas sa magnanakaw.

Habang ako'y nasa ilalim ng kumot ay bigla kong naramdaman na parang may nasa paanan ko.

Kaya lalo akong kinilabutan sa aking na dama kaya' hinila ko ang paa ko pataas.

Tumingin ako sa may paanan ko kung ano yun, at laking gulat ko na si Doglas lang pala yun. Stuffed toy kong aso.

"Paano ka nakarating dito Doglas?" Tanong ko sakanya. Pero di naman siya sumagot, syimpre.

Kinuha ko siya upang yakapin.

Sa oras na iyon ay parang nahihirapan na akong matulog.

Pero dapat kapag yakap ko si Doglass dapat maya maya'y tulog na ako, ngunit ngayo'y parang umiba ang ihip ng hangin.

Pero sa ilang sandali lang ay napatulog na 'ko.

Pagkagising ko ng umaga'y dali dali akong pumunta sa kusina upang mas malinaw kong makita ang nangyari doon.

Pero pagdating ko run ay parang wala namang nangyari.

At andoon din si tito at siya ang nagluluto.

"Oh gising ka na pala, ako na sana ang luluto. Nakakahiya naman sa mama mo."

Sabi niya pagkakita sa akin.

Ako naman ay 'di mawala sa isipan ang nangyari kagabi.

"Ah.. Tito, may narinig po ba kayo ng hating gabi?"

Nagtaka si tito sa tanong ko.

"Wala. Bakit ka naman pala gising ng hating gabi? Alam ba yan ng mama mo?"

Hindi ako nagsalita at umalis na lang ako sa kusina.

Nakita ko naman si ate Angel sa may pintuan na parang may lalakaran ata.

'Di ko siya natanong kaagad kasi dali daling umalis..

Pagdating ng alas otso ay pinakain na ako ni mama.

"Barbar, sabi raw ni Bryan gising ka pa raw ng hating gabi. Bakit may gumagambala ba sa'yo?"

Tanong ni mama.

Tiningnan ko si uncle.

"Wala po, ang init lang po kasi..."

"Oh sha, kain na. May pupuntahan pa tayo mamaya."

"Saan po ba Ma?"

Tanong ko sa kanya.

"Hahatirin na natin ang tito mo sa terminal."

Kaya pagkatapos naming kumain ay naligo na ako kaagad.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 04, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Teddy Watch NightsStories to obsess over. Discover now