Rusty's POV
" May mga taong lumaki sa hirap
Merong laki sa layaw, puro sarap
Kung siya'y titigan mo, akala mo kung sino
Hindi na bumababa sa kanyang trono. " pagkanta ko habang nagigitara.
Andito kami sa may tindahan ni Aling Rosa sa kanto nagiinuman.
" Mga tol tagay niyo pa " sabay taas ko sa basong may laman na juice. Nagtataka kayo kung bakit juice? Eh kasi naman tong bansot kong kaibigan na nagngangalang Aga na tinatawag kong Aga-go eh nakabuntot na naman sa akin at ayaw na ayaw niya ang umiinom ako, baka daw bastusin ako lalo na' t babae ako. Che!
Pero wag kayo matigas to, mahilig ako sa mga bebot na babae.
" Hoy Rusty tara na puro ka kanta jan ang baho baho mo na oh " bulyaw sa akin ni Aga.
" Hoy Aga-go bat di ka pa maunang umuwi chaka anong mabaho? Ako mabaho? Ang bango ko kaya oh " with matching amoy amoy pa sa kili kili ko.
" Hay nako Rusty sumama ka na jan kay Aga di ka naman titigilan niyan eh sige na sa susunod na lang " yan si Richard barkada ko din yan.
Tumayo na ako at ibinalik yung gitara kay Martin " Oh sige na nga uuwi na ako pero pag nalasing kayo jan wag sana kayong magiingay ha dahil baka mapabarangay na naman kayo at ako ang kulitin niyo " sabay lakad namin at umalis na kami ni Aga sa may kanto.
Aga' s POV
" Rusty lumayo ka nga saakin ang baho mo na nga ang lagkit mo pa " sabi ko kay Rusty na nasa tabi ko.
Maganda sana tong babae na to eh yun nga lang maton pa sa maton tong Rust-anga na to.
" Hoy! Hoy! Hoy Aga-go hindi nga sabi ako mabaho palibhasa napakadugyot mo yung sabon mo eh shampoo mo na rin try mo kayang bumili ng shampoo para naman maiba ang amoy mo ano. " singhal naman saakin netong Rust-anga na to.
" Ewan ko sayo Rusty. Pero alam mo may itchura ka yun nga lang ang tigas mo daig mo pa si Vice " sabi ko sakanya. Totoo naman eh chaka kung ano ikinatigas netong maton na to yun naman ang ikinalambot ni Vice, kaibigan namin yun na bakla hehehe.
" Bakit Aga-go? Gusto mo 'ko no? Ayiiie may gusto sakin bestfriend ko ayiiiie " tapos sinundot sundot pa yung tagiliran ko, " Pero para sabihin ko sayo di tayo talo at huwag mo nga akong inihahalintulad jan kay Vice ang sagwang tignan, pwe yuck kadiri! Kaya ikaw gung-gong tumabi ka na jan at umalis ka na din " sabi saakin ni Rusty ay hindi pala pagtataboy pala yun, tsk.
" Aba lakas din ng loob mong sabihing may gusto ako sayo ha, hindi no bestfriend lang tayo at ikaw na ang may sabi na di tayo talo. Bye na nga " pagpapaalam ko sakanya pero bago pa ako makahakbang,
" Oo nga pala Rusty di ka magugustuhan nung babaeng pinopormahan mo dahil di din kayo talo gusto nun eh lalaking kagaya ko " at pinakita ko pa ang biceps ko.
Rusty' s POV
Bago ako pumasok sa bahay namin bigla kong narinig si Aga-go kaya lumingon ako
" Oo nga pala Rusty di ka magugustuhan nung babaeng pinopormahan mo dahil di din kayo talo gusto nun eh lalaking kagaya ko " sabi niya saakin kaya sinamaan ko siya ng tingin.
" HAHAHAHA ANG PANGIT MO MALIGO KA NA NGA AT ANG BANTOT BANTOT MO NA " tawang tawa na sabi ni Aga-go, aba't tinawanan pa ko netong dugyot na to.
Bastusan talaga tong Aga-go na to kaya tinanggal ko na yung tsinelas ko at ambang ibabato sakanya kanya lang nakatakbo na siya. Bwisit talaga yung Aga-go na yun magkakaaraw din sakin yung dugyot na yun.
YOU ARE READING
This Guy's In Love With You Pare
FanfictionSa hinaba-haba ng pagkakaibigan niyo ng kaibigan mong babae na well, babae nga ba eh kung mas matigas at maton pa siya sa iyo? Bilang kaibigan sinuportahan mo siya sa mga kahiligan niya na maging lalake pero paano kung isang araw maramdaman mo na l...
