"Saan ka ba nanggaling ha? Sa planetang mars? Ni hindi ka marunong magsuklay ng buhok, kadiri ka", sabi ni Chloe na haliparot sakin.
"Di baleng hindi marunong mag ayos,basta hindi mukhang malandi at bastos",sabi ko sa kanya habang inaayos ang damit kong mukhang binagyo dahil sa pag away niya sakin.
"Anong sabi mo? Ako? Bastos?,hindi ka man lang ba nahiya sa sarili mo? Mukha kang basura",she said while crossing her arms.
"Tandaan mo yang pinagsasabi mo,balang araw ipapakain ko yan sayo",sabi ko sabay hirap sa kanya.
"Kaya siguro wala ka pang boyfriend no? Kasi ang pangit mo,di kagaya ko maganda",sabi niya sabay wave ng buhok niya.
"Tss ..di ka man lang nahiya? Maganda nga mukha namang clown. May boyfriend nga inagaw naman",sabi ko sabay lakad.
Iniwan ko siyang naka nganga. Ha! Akala niya di ko siya papatulan!. Kuto lang ang walang ganti! Pag ako nakapag ayos . Who you ka sakin! Tandaan mo yan! Ugh!
------
"Oyy..beb nakatulala ka naman diyan",sabi ng bestfriend kong si Ash.
"Ha?",sabi ko
"Hay nako iniisip mo naman yang nakaraan mo ano? Move on na te!",sabi niya.
"Tss.. Naka move on na'ko no..",sabi ko sabay ayos ng mga gamit ko.
"Hay nako, SHEEN DE VEGA,Lokohin mo na ang lahat h'wag lang ako , don't me beb don't me",sabi niya.
"Ewan ko sayo tara na nga", sabi ko sa kanya sabay hila.
"Oh? Saan naman tayo pupunta? Sabi niya.
"Saan pa ba? Tsss..",sabi ko sa kanya sabay pasok sa sasakyan.
"Ikaw Sheen mukha ka nang ahas sa tss.tss tss..mong yan",sabi niya sabay pout.
Itong babae talaga oh!.
"Di baleng mukhang ahas basta hindi nanunuklaw nang pag mamay ari nang iba",sabi ko sabay ngisi.
"Ewan ko sayo",sabi niya
"Tss"
"Tara na nga,paborito ko pa naman ang pupuntahan natin",sabi niya sabay ngiti.
"Libre mo ah",sabi ko
"Hee..mayaman ka na ee .ako pa yung manlilibre? ",sabi niya sabay hirap.
"Haha! Fine ako na!".
"Dapat lang no!ikaw ang nag yaya",sabi niya.
"Tss".
After several minutes nakarating na rin kami sa isang bar malapiy sa condo ko.
"Oh? Ano pa ang hinihintay mo? Pasok na!",sabi ko kay Ash.
"Sungit mo",😒 sabi niya sabay pasok sa bar.
Ewan ko na lang sa babaeng yan. Ang sarap asarin..
"Oh? Ba't nakatayo ka lang diyan? Di ka man lang ba kukuha ng inumin natin?", sabi ko sa kanya sabay ngiti.
"Bakit ba ang sungit mo ha? Meron ka ba? Kung gusto mong mag order tawagin mo yung waiter",sabi niya.
Sarap talagang asarin. Umorder ako nang maiinum naming dalawa. Habang nag hihintay ako para bang may naka aligid sakin. Panay ang linga linga ko . <_<
>_>. Ngunit wala naman.
Nang makarating na ang order namin agad kaming uminum. After an hour I felt tipsy ngunit si Ash parang batang salita ng salita.
"Ohh..Sheen *hik* labash na tayo..hinihintay nako ni *hik* baby *hik* ko..",sabi niya.
Hay naku! Mapapagalitan naman ako nito ni Jade ee.
"Tara na nga",sabi ko sa kanya sabay hila.
"Manung bartender patulong naman oh",sabi ko sa bartender . Ang bigat naman kasi nitong si Ash.
After kong ihatid si Ash sa condo niya. Agad akong umuwi. It's very tiring day. Na stress ako sa trabaho. When I felt sleepy I just prayed and close my eyes.
