Before anything else, I would like to say thanks to @Harley_King for the wonderful cover. :)
Prologue
"Ines! Pwede bang tumigil kana sa kakasigaw dyan! Naririndi na ako ah!"
Narinig ko pa ang pagtapon ni Mama ng kaldero sa sahig at ang paglakad nya nang mabilis.
"Ikaw naririndi?! Eh baliw ka pala eh! Diba dapat ako ang magsabi nyan! Punyeta naman Erin! Ako dapat ang naririndi, napapagod at nagagago dito! Ano kami ng anak mo ah, laruan?! Basta basta nalang papalitan! Punyeta ka!" rinig kong sigaw ni Mama at sabay bato ng vase na tumama sa pintuan.
"Tumigil ka na nga! Ang bata!" sigaw naman ni Papa na naka-cross ang mga kamay na parang proteksyon.
"Sana naisip mo yan nung bago ka mag-asawa at magka-anak ulit! Gago ka! Lumayas ka dito! Di ka namin kailangan! Umalis kang hayop ka!" sabi ni Mama at umakyat sa kwarto nila Papa.
Bumaba sya ng mga dalang tatlong bag at pinagbabato 'to sa labas ng bahay.
"Wag ka ng babalik sa bahay na 'to at wag ka nang maging asawa ko at tatay nang anak ko! Dun ka sa kabit mo! Hayop kayong dalawa!" sigaw ni Mama at pabagsak na isinarado ang pinto.
Napahagulgol si Mama sa likod ng pinto at napa-upo sa sahig.
Binukas ko ang pinto mula sa aking kwarto at dahan dahang bumaba.
"M-mama?" tumaas ang tingin ni Mama sakin at sinenyasan akong maupo sa tabi nya.
"Anak ko. Patawad." sabi ni Mama at niyakap akong mahigpit. Niyakap ko sya pabalik at sabay kaming umiyak.
"Wala na ang tatay mo. May iba na syang pamilya. Niloko nya tayo anak." pag-iyak ni Mama habang hinahaplos ang buhok ko.
"Mama, wag ka nang umiyak." sabi ko at pinunasan ang luha sa pisnge nya.
"Sorry anak."
"Don't feel sorry Ma. We can live together. You and me lang. Without him." sabi ko at niyakap uli sya.
"Yes anak. Makakaraos din tayo without him." sabi ni Mama at hinalikan ako sa noo.
"Umakyat ka na sa kwarto mo at mag-beauty rest na. Tomorrow is the wedding of your Tita Gel." sabi sakin ni Mama.
"Kayo rin Ma. Goodnight po. I love you." sabi ko at umakyat na ng kwarto ko.
Humiga ako sa aking kama at di na rin napigilang umiyak.
Iniwan na kami ni Papa, mas pinili nya kaming palitan kesa samahan kaming patuloy na nagmamahalan. He chose to live with his new family. Sinaktan nya si Mama pati narin ako.
But still...
"I can't live without Papa." bulong ko sa pagitan ng aking paghikbi.
Daddy's girl ako since young. Nakukuha ko ang lahat ng gusto ko pag nandyan si Papa. Pero hanggang tumatagal ang pagsasama nila Mama ay nakakasawa ng marinig ang bawat murahan at batuhan nila. Pagod na akong makarinig ng mga kasinungalingan at pangako.
Pagod na ako sa buhay na meron ako ngayon?
My mom is heartbroken. I'm devastated. My dad cheated on us, he left us. Pang-labing tatlo na naming lipat 'to dahil lagi kaming napapaalis sa bahay namin dahil sa late ang pagbabayad at ang araw-araw na bangayan nila Mama at Papa. At bagong eskwelahan na naman, minsan nga ayoko nalang mag-seryoso sa pag-aaral eh. Baka kasi lumipat uli kami.
May mas ikakaganda pa kaya ng buhay ko?
May mas maayos pa bang buhay na meron ako?
Kasi kung bibigyan ako ng pagkakataong baguhin ang sarili at ang buhay ko.
Gagawin ko. I want to create a new self. A better one.
I want to create a new life. My life. A better and peaceful one.
I, Aerin Rios. A girl with a messy life wished to create a new self.
----
Plagiarism is a crime.
Amateur writter ako, walang perpekto sa storyang ito. It has typos and wrong grammars. If you dont want to read this, feel free to remove this from your library. Thank You!
leaimnida_
YOU ARE READING
My Other Self [ Completed]
FantasyPaano kung mabigyan ka nang pagkakataong gumawa pa nang isang bersyon mo? Yung malayong-malayo sa totoong ikaw sa reyalidad.
![My Other Self [ Completed]](https://img.wattpad.com/cover/108304876-64-k419653.jpg)