Chapter 22 (Repost)

Magsimula sa umpisa
                                    

"Lyra hindi! Makinig ka saken." Hinawakan siya nito sa magkabilang braso. "Wala na tayo. Oo, ginawa ko 'yon dahil nasaktan ako. Patawad. Pero hanggang kaibigan na lang ang kaya kong ibigay sayo. Mahal ko si Danah. Mahal na mahal." Bumuntong-hininga ito saka siya binitiwan. Naiwang nakatutulala lamang si Lyra. "Pero hindi ko inasahan na magagawa mo 'yon saken Lyra. Akala ko, maiintindihan mo ako."

Hindi matanggap ni Lyra ang sinabi sa kanya ni Text. Hindi siya naniniwala. Nagsisinungaling lang si Text.

"Lyra –"

Tumakbo na siya at iniwan si Text. Patuloy parin ang pagdaloy ng mga luha sa mata. Hindi! Hindi! Hindi pwedeng mahalin ni Text si Danah. Namataan niya sa 'di kalayuan si Danah. Naikuyom niya ang mga kamay. Kasalanan lahat ng babaeng 'yon ang lahat! Kasalanan niya!

"Sandali lang,"

Akmang lalagpasan niya na lang ito nang tawagin siya nito.

"Pwede ba tayong mag-usap?"

MAAGANG pumunta si Lyra sa bahay ng mga Silva. Nagtaka siya sa kakaibigang katahimikan ng buong bahay. Nasalubong niya si Mateo. Seryoso ang mukha nito nang magtama ang mga mata nila. Akmang lalagpasan siya nito nang tawagan niya.

"Teka lang Mat," nilingon niya ito.

"Kung hinahanap mo ang pinsan ko wala siya dito. Hanapin mo kung gusto mo total magaling ka namang humanap ng paraan." Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. Bakas sa tuno ng pananalita nito ang disgusto sa kanya.

"Hindi ako pumunta dito para kay Text. Kakausapin ko lang si Lola Consol."

"Suit yourself,"

"Saan si Danah?" dagdag na tanong niya na rin.

"Umalis na si Danah." Mapang-uyam siya nitong nginitian. "Pakasaya ka na."

Tila sinipa ang dibdib niya sa sinabi nito. Hindi niya alam kung bakit imbes na matuwa siya ay nalungkot siya. Naisip niya si Text. Naipikit niya ang mga mata at mariing napabuntong-hininga. Umalis na si Danah.





SWEET ACCIDENT - COMPLETED 2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon