Nagising ako sa nurse na pumasok para I check ang bloodpressure ko. Kada apat na oras ganito dito sila minsan nga gusto ko ilock pinto para di nila ako maistorbo sa pagtulog.
"90 over 60." Sabi ni Gin, nurse on duty siya tuwing night shift.
"Pakainin niyo nga ako ng matataba Gin para tumaas ang presyon ko." Sabi ko kaya naman natawa siya.
"Loko ka talaga Jam, oh ayan medyo may sinat ka, teka lang, kunin ko lang saglit sa station yung gamot mo." Tumango lang ako at pinanuod siyang lumabas ng kwarto ko.
Sanay na ako sa araw-araw na routine ng buhay ko dito sa hospital. Mag aanim na buwan na ako dito, gusto ko na nga umalis gusto ko mag mall, gusto ko maka gala, gusto ko ng mga pagkain sa labas, gusto ko ng spaghetti ng jollibee! Hay, kailan kaya ako makakatikim ulit non? Ayoko na kasi sa apat na sulok ng kwarto na ito, dahil alam ko rin naman na hindi na ako gagaling, kaya minsan pagnatutulog ako ay hinihintay ko nalang na hindi ako magising. Mayroon kasi akong acute leukemia, ang sabi ng doktor hanggang anim na buwan nalang itatagal ko. Nararamdaman ko rin naman na mahina na talaga ako at payat na ako nang husto. Pero kahit kakaunti na ang buhok sa ulo ko, ay tingin ko maganda parin naman ako.
"Jam, ito na ang gamot mo sa lagnat, tapos ito for pain, at baka umulit ulit na sumakit ang buto mo." Kinuha ko yung gamot at ininom sa harapan niya.
"Wala kabang bantay?" Umiling ako.
"Mayroon kanina, nandyan lang o baka umalis kumain saglit, siguro?" tumango si Gin bago umalis ng kwarto.
Umayos ako ng higa sabay kinumutan niya ako.
"Kanina ka pa ba nandyan?" Tiningnan ko ang nagtatagong maganda niyang mukha.
"Palagi naman akong nakabantay saiyo, hindi ba?" Ngumiti ako sakaniya
"Nag-ikot ka na naman, ano?" Siya naman ngayon ang ngumiti, habang hawak-hawak ang isang orasan sa kamay niya.
"Kailangan eh." Umupo siya sa tabi ko.
"Alam mo nagtataka ako, araw-araw kang may kinukuha dito pero samantalang ako hindi pa, yung totoo?" Tumatawa ako kasi nagkakapag taka.
"Kasi hindi mo pa oras." Mga ilang segundo akong nakatitig sakaniya. Mula nung mahospital ako palagi siyang nakabantay sa akin. Napaka ganda niya kahit hindi ko tanaw ang mukha niya ng husto, mahaba ang buhok niya, maputi siya kaya litaw na litaw ito sa damit niyang itim na hoodedcoat at pamilyar din ang boses niya. Nung una ko siyang makita akala ko tao siya na palaging may dinadalaw sa hospital pero hindi, dahil ako lang pala nakakakita sakaniya.
"Tagal ko nang naghihintay," sabi ko sakaniya.
"Mas matagal akong naghihintay at hindi biro ang mag abang ka sa simula ng buhay hanggang matapos ito," sagot naman niya.
"Basta, ha? walang kalimutan kapag oras ko na." Ngumiti lang siya sa akin.
"Matulog kana, Jam." Niyakap ko ang unan ko nang mahigpit. Alam kong babantayan niya ako hanggang sa pag gising ko.
"Good night, Morte." Sabi ko bago ko ipikit ang mga mata ko.
.....
Nagising ako sa ingay ng paligid. Pagdilat ko, kumpleto ang dalawang kapatid kong lalaki.
"Ang ingay niyo," saway ko.
"Sorry, bunso. Si Kuya Joey kasi eh inaasar ako don sa ex mo, hello! Duh! as if naman, dyusko, hindi maganda habol ko kundi gwapo ano!" natawa ako sa binabae kong kapatid.
"Nga pala, speaking of ex mo, hindi ko minsan nakitang dumalaw iyun dito." Umayos ako ng upo.
"Hindi na niya kailangan na makita pa ako. Okay na yung tinapos ko na samin lahat bago pa ako napunta dito sa hospital. Ayoko rin naman na balang araw ay maiiwan ko siya." Malungkot ako ng gawin ko ang pag-iwan sakaniya ng walang dahilan. Alam kong labis ko siyang nasaktan pero anong magagawa ko? Mas masasaktan ko siya kapag namatay ako.
KAMU SEDANG MEMBACA
The Keeper (One Shot)
RomansaPaano kung natutong mag mahal ang isang kamatayan?
