Maybe This Time ( Tagalog )

224K 1.7K 309
                                        

Limang taon na rin ang nakalipas simula ng umalis ng Pilipinas si Irene para tuparin ang kanyang pangarap na maging isang sikat na modelo sa ibang bansa. At the age of twenty one, ay namuhay siya'ng mag isa sa Paris at di niya iyon pinagsisihan, sa simula pa lang ay tutol na ang kanya'ng kapatid sa desisyon niya'ng pag alis noon dahil pwede naman siya'ng maging sikat na modelo sa Pilipinas kung gugustuhin niya. Nagtataka rin ito noon kung bakit nagmamadali siya'ng umalis ng bansa.

“ Alam ba ni Keiran ang desisyon mo'ng 'to?”,ang tinutukoy nito ay ang kanyang long term boyfriend, nagkakilala sila nito dahil family friend ng pamilya nila ang pamilya nito, you can say it was love at first sight the moment they saw each other . Hindi siya kumibo.

“ Kung may problema kayong dalawa e, ayusin ninyo nang maayos, hindi ito'ng aalis ka na lang nang biglaan” may pagkairitang sabi nito.

“ I just want to call it quits with him, kuya, he is way  too controlling, hindi pa nga kami mag asawa e nasasakal na ako sa kanya, planado na nga ang mga future ng magiging apo namin e”, pabulyaw na saad niya rito.

Tinitigan lang siya nito at hinayaan siya nito'ng ilabas ang mga hinanakit na nararamdaman niya.” Keiran was Irene's first boyfriend, guwapo ito at nanggaling sa mayamang pamilya. Napaka sweet nito at maasikaso, marami nga sa kaibigan niya ang naiinggit sa kanya, paano ba naman kasi e parang match made in heaven raw silang dalawa, ang hindi alam nang mga ito ay over sa pagiging control freak ang nobyo niya, lahat na yata nang dates nila for the month ay na e schedule na nito, kung ano'ng movies ang papanoorin, kung saang restaurant kakain. Noong una ay pinag walang bahala niya lang ito, pero nung naglaon na ay nagsawa na siya, kapag nagyayaya itong kumain sa labas ay dinadahilan niyang masama ang kanyang pakiramdam o di kaya ay pagod siya.Gustuhin man niyang makipag break rito ay di niya magawa. Wala naman itong ginawang masama sa kanya at kahit papaano ay minahal rin naman niya ito, ang kaso e ayaw niya lang talagang pinangungunahan siya sa kanyang desisyon at kahit na he is getting into her nerves sometimes ay ito lang ang tanging nakakapagpasaya sa kanya kapag malungkot siya, may good sense of humor kasi ito at hindi sila magtatagal nang apat na taon kung di niya ito mahal.

Nang nailabas na niya ang lahat nang nais niyang e confide sa Kuya niya, ay sinabihan siya nito na wag magpadalos dalos sa kanya'ng desisyon at pag isipan niya muna ng maigi ang lahat. Pinayuhan rin siya nito na ipaalam kay Keiran ang nararamdaman niya at tapusin na lang nila ang relasyon sa maayos na paraan, kung talagang ayaw na niya. Asikasuhin na raw muna niya ang kanilang negosyo habang di pa siya sigurado sa gusto niyang mangyari. Ang gusto kasi nito ay gamitin niya muna ang kanyang pinag aralan sa pagpapatakbo nang kanilang business. Business management ang natapos niyang kurso sa kolehiyo dahil ito mismo ang gusto nang Kuya niya. Ngunit matagal na niya itong pinag isipan, matagal na rin niyang nakausap si Keiran tungkol sa relationship nila nang umuwi ito sa Pilipinas for vacation. Architecture student ito sa isang sikat na university sa New York, palagi nitong iniiba ang kwento kapag medyo negatibo na ang kanyang pinahihiwatig”. Masyado na nga siyang nahihirapan rito dahil ayaw naman nitong makinig sa kanya.Basta malinis ang konsiyensya niya, she tried her best to end their relationship in a good way, pero ayaw nitong makinig sa kanya, kaya bahala na ito. Para sa kanya ay tapos na sila.

Maybe This Time ( Tagalog )Where stories live. Discover now