MGA KWENTO NG KABABALAGHAN..(02)

Start from the beginning
                                    

Tulog na ang kanilang mga

anak nang dumating si

Annie. Hinintay pa ang asawa saka sabay silang

kumain. "Ano'ng nakain mo kanina

ha?" tatawa-tawang

tanong ni Roger habang

sila'y kumakain. "Ano?" kunot-noo si

Annie. "Ikaw nga ang

sisitahin ko, e. Bakit mo

ako pinagpatayan ng

cellphone ha?" Si Roger naman ang

kumunot-noo. "Hindi kita

pinagpatayan ng cellphone

ano ka?" "Ano'ng hindi?

Pinagpatayan mo ko!

Noong una choppy

ka.. .ang labo ng dating mo.

Tapos pinagpatayan mo na

'ko." Sumeryoso na ang anyo ni

Roger. "Swear talaga.. .hindi ko

ginawa 'yon. Nagtaka nga

'ko sa mga pinagsasabi mo

kanina, e." "Pinagsasabi? Wala nga..." "Sabi mo mahal mo 'ko,"

bahagya pang natawa si

Roger. "Kelan ka pa naging

corny? Mas prefer mo ang

'love you' kesa do'n 'di ba?

Tapos kanina may pamahal-mahal ka pang

nalalaman d'yan." Tuluyang sumimangot si

Annie sa harap ng asawa. "Ano ba'ng pinagsasasabi

mo d'yan? Wala akong

sinabing gano'n. Ni hindi

nga ako nakapag-goodbye

sa 'yo dahil pinagpatayan

mo 'ko ng cellphone buwisit ka! Pasalamat ka

nga at kinausap pa kita at

hinintay kumain ngayon." Napalis ang pilyong ngiti ni

Roger. Waring saglit itong

nag-isip. "Teka lang.. .ano ang

huling tanda mo na nasabi

mo sa 'kin kanina?" "Na hindi kita madinig,"

mabilis na sagot ni Annie. Muling binalikan sa isip ni

Roger ang konbersasyong

naganap kanina. "Hindi mo ba itinanong sa

'kin kung.. .ano'ng gusto

kong pasalubong?" "Paano ko masasabi 'yon

pinagpatayan..." "Hindi mo tinanong kung

gusto ko ng buko pie?

Hindi mo rin sinabing mahal

mo 'ko? Hindi ka 'kamo

nakapag-goodbye.. .hindi

mo sinabing ingat ako at.. .lalong hindi mo

sinabing maging faithful

ako?" "Hindi! Teka lang.. .ako

ba'ng kausap mo?" Nang maging choppy na

ang reception sa

konbersasyon sa cellphone

ng mag-asawa ay totoong

naputol na ang linya ni

Roger. Iyon ang pagkakaalam ni Annie.

Ngunit ang hindi alam ni

Annie at ni Roger mismo ay

hindi na ang asawa ang

kausap sa cellphone. May

"ligaw" na boses na nag butt-in na siyang nakausap

ni Roger. Iyon ang dahilan kung

bakit may mga salitang

sinabi ang "ligaw" na boses

na pinagtakhan ni Roger.

Dahil hindi gawing sabihin

iyon ng asawa. Nang ikuwento iyon ni

Roger sa kasamahan ay

waring hindi na ito

nagtaka pa o nagulat man

lang. Sa halip ay sinabi

nitong: 'Narinig ko na ang kuwentong 'yon. Kailan

lamang natuklasan ni

Roger na ilan na sa

kanilang kasamahan ang

nakaranas ng katulad na

eksperyensiya. Ang ganoong pangyayari

ay naganap sa iisang

"spot" ng highway

patungong Norte. May

ligaw na boses na

sumisingit sa phone conversation ng dalawang

tao. Ayon sa mga nakaalam

ng kuwento, posible raw

na iyon ay ligaw na

kaluluwang nanghihingi ng

pansin at dasal.

Ang Wakas...

MGA KWENTO NG KABABALAGHAN..Where stories live. Discover now