Chapter 13 - [Secrets]

Magsimula sa umpisa
                                    

Nung nandun na kami ay inilapag ko muna yung gamit namin sa isang table na may dalawang reclining seat. Umupo sa isa at tsaka nag pahid ng sunblock sa kamay at paa ko. Umupo naman si Lance sa kaharap kong upuan at bigla nalang siyang nag hubad ng damit. Hindi ko inaakala na ganun pala kaganda ang katawan niya. Maputi at may anim na pandesal na namumutok sa tigas. Napalunok ako sa nakita ko at para bang nawala ako sa mundo.

"Kunan mo ng picture para mas matagal mong matitigan."

Napatingin nalang ako sa naka ngisi niyang mukha at medyo namula ang mukha ko. Nahuli niya akong makatitig sa katawan niya. Omg. Isa tong malaking kahihiyan. Kaya naman ibinaling ko nalang yung paningin ko sa iba pang taong nag swi-swimming.

"Pahiran mo ko ng lotion sa likod." Utos niya sabay dapa sa may upuan. Para nanamang tumigil ang mundo ko. Di ko rin alam kung anong dapat mararamdaman ko. Saya ba o kabwisitan? Para kasi siyang nananadya.

"Nag hihintay ako alipin." Matigas niya sabi habang nakadapa pa rin.

Ginawa ko nalang ung pinaguutos niya at nilagyan ko siya ng lotion. Para akong mahihimatay sa ginagawa ko. Nahahawakan ko ang katawan niya kahit likod lang. buti nalang at naka dapa siya at hindi niya makita ang mukha kong mas mapula pa sa kamatis. Ligyan ko na rin ang kamaey niya. Nahawakan ko pa ang palad niyang malalambot. Pati na rin sa mga binti niya. Nung patapos na ako ay bigla siya nag iba ng pwesto. Kaya naman ngayon ay nakatingala na siya. Di ako mapakali dahil mas lalo ko pang nakita ang matitigas niyang six pack abs, isama mo na rin ang pinkish niyang utong.

"Lagyan mo din dito." Utos niya.

"Si-sigurado ka ba?!" Alinlangan kong tanong sa kanya. Eh kasi naman. Abs na yung mahahawakan ko. Nakakahiya kaya. [Enebeyern >.<]

"Oo nga." Sagot niya habang naka ngisi sa akin. "Pasalamat ka mahahawakan mo abs ko." At pumikit siya.

Di nalang ako nag salita at ginawa ko nga ang ipinaguutos niya sa akin. Kahit labag sa loob ko (pero deep inside gusto ko din naman). Inuna kong pahiran ang dibdib niyang matikas pababa sa abs niyang sobrang defined.

"Nag enjoy ka ba alipin?" Pagtatanong niya na may bakas na ngiti sa labi niya.

"Ewan ko sayo. Nantri-trip ka namaman!" Pag susungit ko sa kanya sabay iwas ng tingin.

"Aba-aba! Ganyan ba dapat sumagot ang isang alipin sa master niya?" Ngayon ay nakangiti na siya.

Sabi ko na nga ba pinagtritripan nanaman ako nito.

"Hoy Lance. Namumuro ka na sa akin ah. Onting-onti nalang talaga masasapok kita!" Pag babanta ko sa kanya. Naka tayo na ako nun habang dinuduro ko pa siya.

Tumayo na rin siya at naglakad papalapit sa akin."Ikaw na alpin ka" panduduro niya sa akin "Hindi mo alam kung san ka dapat lumugar no?" Yung mga mata niya nanlilisik na nakatingin sa akin. "Kaya ikaw dapat bigyan ng leksyon!"

Masyadong mabilis ang pangyayari, naramdaman ko nalang na nakakapit ako ng mahigpit sa bisig niya habang napapalibutan ng tubig. Pag ka ahon namin ay tumatawa siya sa ginawa niya. Dapat nagagalit ako sa kanya ngayon pero masyadong nakaka hawa yung tawa niya kaya napatawa na din ako. Para kaming mga baliw nung mga oras na yun. Andito kami ngayon sa pool kung saan hindi masyadong mababaw at hindi masyadong malalim. Tama lang sa akin. Pero kay lance ay parang sobrang babaw lang sa kanya. Nag hahabulan lang kami at kung minsan ay nag babasaan. Minsan aahon dahil nagugutom kami pareho pag katapos lalangoy ulit. Para kaming mga batang ngayon lang nakapag swimming. Masaya din naman pala siya kasama. Yun nga lang mejo mayabang sa una pero masiyahin siya. Pero sa likod ng masayahin niyang aura ay bakas sa mga mata neto ang sobrang kalungkutan.

That Possesive Jerk (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon