Chapter Seven

Beginne am Anfang
                                    

Nagkibit-balikat lang ito. "Not really sure. You?"

"Puyat, as usual." Nakarating agad sila sa isang pamosong coffeeshop. Sinadya niyang doon pumunta dahil masarap ang croissant doon. Magugustuhan ni Bari.

Napakunot-noo ito nang mag-park siya.

"Why?" nagtatakang tanong niya bago sila lumabas ng kotse.

Napakurap ito at bumaling sa kanya. "Really, Czarina?"

"What?" inosenteng tanong niya. Napatingin siya sa coffeeshop. Maganda naman doon, ah? Maganda pa ang ambiance. Tahimik at---oh shit!

Doon nga pala ng first date nila ni Bari noong sixteen pa lang siya. Ah! Damn!

"W-Wait. Okay. Ahm, m-masarap kasi ang croissant diyan, eh. H-Hindi ko na naisip na dito nga pala 'yung—"

"You forgot about it?" sumeryoso ang tono nito bigla. Bumaba na ito ng kotse. Nataranta naman siya kaya bumaba na rin siya.

"Bari, that was eleven years ago. You don't expect me to remember all the details." Napanguso siya. "Sa ibang coffeeshop na lang. There's a Seattle Best nearby..."

Umiling ito. "No. It's okay. Nandito na tayo."

"O-Okay."

Iminuwestra nito ang pathway. Ibig sabihin, mauna siyang maglakad. And she did. Naramdaman niyang sumunod ito. Natigil siya nang pinigilan siya nito sa braso.

"W-Why?"

Hindi ito nagsalita. Hinubad lang nito ang suot na coat at pinatong sa balikat niya. "Now, I understand why you're not in a good mood today."

Something clicked inside her mind, some memory when she was sixteen. Napakurap siya. Doon din sa lugar na iyon... Si Bari din ang kasama niya. Ito rin ang naglagay ng coat sa kanya...

Nanlaki ang mga mata niya at napatingin dito. "Don't tell me...?"

Inalalayan na siya nito hanggang sa loob ng shop at tumuloy agad sila sa loob ng banyo na ngayon ay common area na. They both went inside. She locked the door and easily looked behind her back.

Impit siyang napatili. "Bari!"

Sumandal ito sa pintuan at humalikipkip. "Why do you want to go down the memory lane when I'm still moving on from you?"

Napanguso siya at namula ang buong mukha. "H-Hindi ko naman sinasadya ang tungkol sa coffeeshop. Lalo na 'to..." The red stain is getting bigger!

Natagusan talaga siya! My goodness! Paanong hindi niya naramdaman? "Paano ko naman sasadyain ang period ko para lang magulo ka sa pagmo-move on mo?"

Napailing ito at tila nagpipigil ng ngiti. "Do you have a napkin?"

"Yes! May pamalit din ako sa kotse. Sandali, kukunin ko lang—"

"No. Stay here. I'll get it." Nilahad nito ang kamay. "Give me your keys."

Binigay niya rito ang susi ng sasakyan. Lumabas na ito at wala pa sigurong tatlong minuto ay kumakatok na ulit ito.

"Here." Inabot nito lahat ng kailangan niya. Bari got it all perfectly. Pati sanitary wipes at fresh underwear.

Napatingin siya rito at nagkangitian sila. Tila parehas nilang naaalala ang déjà vu moment na iyon. "T-Thanks..."

Gusto niya sanang matawa. This is almost the same scene eleven years ago!

Hold Me More (More Trilogy #2)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt