...
NOTE:
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
...
Kasalukuyan akong naglalakad lakad sa pampang habang nakangiting pinagmamasdan ang ganda ng karagatan. Pakanta kanta lang ako dito ng biglang may matanaw ako sa di kalayuan. Tiningnan ko itong mabuti.
"Ano na naman iyon? May naliligaw na naman bang butanding?? nakakainis na! Bakit hindi kasi sila bumili ng mapa nila sa kabilang isla! Lagi na lang nila akong pinahihirapan! Sisipain ko na nga lang sila! Napapagod na kong magbuhat, e!" Inis kong sabi sa sarili.
Naglakad na ako papunta duon habang pakamot kamot sa ulo. Itong mga butanding talaga na 'to, palagi na lang naliligaw dito sa pampang. Ito lang ba ang alam nilang isla at dito lang sila palaging napapadpad??
Habang naglalakad ako ay may napansin akong kakaiba.
"Teka nga. Bakit parang...... Tao? Tao ba yun?" Binilisan ko ang paglakad ko at nang matanaw ko na ay napatakbo ako ng mabilis.
"Tao! Tao nga! May tao!" Gulat kong sigaw habang tumatakbo papunta dito at nakita ko na may bilang silang tatlo.
Ano ka ba Mirie! Bakit hindi mo agad napansin?!
Nang makalapit ako ay lumuhod ako sa isa sa kanila. Minouth to mouth ko isa isa ang tatlo pero hindi pa rin ito gumigising.
"Mama'! Gumising ho kayo!"
Muli kong inulit to sa isa na may dilaw na buhok, nang may naramdaman akong humahawak at lumalamas sa bandang likuran ko. Nang tingnan ko ito ay yung minamouth to mouth ko ngayon. Agad kong iwinaksi ang kamay niya sa likuran ko.
"BASTOS!" Sigaw ko dito at dali daling kumuha ng buhangin tapos ay binato ko siya nito.
Bigla siyang napabangon.
"Who's the fvck did that?!" Singhal nito at lumingon lingon sa paligid niya.
Bagay lang yan sayo! Mapagkunwari!
Bigla namang may humawak sa binti ko dahilan para mapaatras ako.
"Flawless." Sabi naman ng may pulang buhok, na ikinagulat ko.
"Ano ba?!" Inis kong singhal dito.
"She's hot... and sexy."
Napatingin ako sa nagsalita, yung may asul na buhok. Nakatitig ito sa katawan ko ng malagkit kaya ay tinakpan ko ang katawan ko.
"MANYAKIS!" Sigaw ko naman sa kanya.
"She's kind'a sweet." Sabi nung may asul na buhok kasabay ng pagbasa niya sa ibabang labi niya gamit ng dila.
"Nuh. I want to be her first." Sabi nung may pulang buhok.
"Fvck off! She's mine." Sabi naman nung may dilaw na buhok na ikinagulat ko.
"At kailan pa ko naging sayo?!" Inis kong tanong dito.
"By the way, where are we?" Pambabalewala nito sa akin na ikinainis ko.
"Aba't---! EWAN KO SA INYO! MGA MANYAK!"
Aalis na sana ako ng biglang hawakan ng may dilaw na buhok ang kamay ko at hatakin ako pabalik.
"Don't turn your back! I'm talking!" Galit nitong sabi.
"A-ano ba?!" Nauutal kong sabi. Napakatalim pa ng tingin nito sa akin.
Biglang nagbago ang reaksyon nito. Mula sa galit ay biglang umamo ang mukha.
"Where are we?? And who.... Am I??" Biglang tanong nito na ikinalaglag ng panga ko.
Seryoso ba yan??
"Don't tell me hindi niyo kilala sarili niyo??" Gulat na tanong ko rito.
"I know myself. I am the most handsome in the world and I am your boyfriend. So, let's go home. May gagawin pa tayo." Sabi nung may pulang buhok tapos ay kinindatan ako at aktong hahawakan ang kamay ko ng bigla siyang harangan ng may blueng buhok.
"And.... I'm her HUSBAND." Sabi naman nito.
"and those are your IMAGINATION, so back off kung ayaw niyo pang mamatay!" Biglang singit naman nitong may dilaw na buhok.
Napailing na lang ako. Nababaliw na sila.
