Manloloko

69 4 0
                                        

Plano mo palang mangolekta
Sana di ka na lang nambola
O talagang gawain lang ang magpaasa
At magpahintay nang walang alintana

Ganyan ba ang iyong hilig
Sana hindi ka na lang dininig
Gusto mo babaeng marami
Hanggang sa ikaw ay makapili.

Tama na desisyon ko
Kalimutan ang tulad mo
Para sa ibang babae hindi matulad
Wag ng maniwala sa iyong ilalalahad

Sa mundo ang dami talagang manloloko
Gawain ay mapag laro
Magsisinungaling para makakuha
Ng mga babaeng mabibiktima.

Huwag mo na akong isali
Sa listahan ng iyong pinipili
Dahil hindi ako disperada
At ayokong mabiktima

Ano ka sa tingin mo
Lalaking sobrang gwapo
Mahiya ka naman sa balat mo
Para ikaw ay manloko.

Ako ay iba at wag mo mong ikumpara
Sa mga babaeng iyong nakukuha
Dahil ayokong nakikipaglandian
Tulad ng mga babaeng iyong pinamimilian

Naniniwala ka ba sa karma
Hilig mo sa babae, itigil sana
Baka ikaw naman mabiktima
Ng iyong mga gawain sa iba

Sa pagsisinungaling
Ikaw ay magaling
Pati ako napaniwala din
Sa mga salita mong madiin.

Manliligaw ka at magpapasa
Tapos kunwari paghihintayin pa
Dahil daw hindi pa handa
Yun pala ay nangongolekta at nagpapakasaya.

Kung ako sayo, ay dapat mag ingat
Baka makahanap din ng katapat
Hindi man sakin ikaw tumino
Baka sa iba, iba ang karatnan mo

Sa akin hindi ka nakontento
Maraming babae ang gusto mo
Ano ba iyong nakukuha
Sa ganyang paniniwala

Hindi ka ba nakikipaglandian
At ikaw lang ay nakikipagkaibigan?
Pakikipagkaibigan na ba ang pakikipaglandian
Sa estado mong yan pa iyong pinaniniwalaan

Hanggang ngayon di ka pa sawa
Pakikipaglaro lagi pa ding ginagawa
Hanggang kailan mo ba ipagpapatuloy
Ang iyong pakikipaglaro sa apoy.

Mararamdaman ko, hindi mo inisip
Nagpapakasaya ka sa halip
Ako ay kumustahin at alalahanin
Ni wala ka ng maisip na sabihin.

Sabi mo hindi ka sinungaling
Pagbabalatkayo iyong gawain
Ilang beses na bang napatunayan
Ang isda sa sariling bibig nahuhuli

Dapat nang ako ay lumayo
Sa isang taong tulad mo
Isang lalaking manloloko
Mambabae ang ginawang bisyo

Malilimutan na kita
Kahit puso ko na mahilig umaasa
Ay ngayon bumibitaw na
Dahil sa mga nababasa at nakikita.

ManlolokoDonde viven las historias. Descúbrelo ahora