"Bata, bata! Bakit nandyan ka?" inosenteng tanong ng isang batang babae habang dinidilaan ang tumutulo niyang ice cream sa isang batang lalaking nakaupo lamang sa mabuhanging parte ng playground na nasa tabi ng swing. Tinignan lamang siya ng kanyang kapwa at inirapan.
"Ang bad naman! Sabi ni Mommy, kapag tinanong ka raw, dapat you should answer politely," inosente pa ring sinabi ng babae, tila pinapangaralan ang lalaki dahil sa hindi magandang asal na ipinakita nito. Hindi pa rin umiimik ang lalaki ngunit muli siyang inirapan nito.
"Ang sungit naman. Kaya ka siguro walang kalaro kasi irap ka nang irap. You looked like Beast tuloy," dagdag pang litanya ng babae. Nagulat na lamang siya nang biglang dumako sa kanya ang mga nanlilisik na mata ng lalaki, dahilan para mapaatras siya nang konti.
"Leave me alone!" galit na sigaw nito na ikinabigla ng babae at dahilan para mahulog ang hawak-hawak niyang ice cream.
Nang mapagtanto niyang nahulog ang kanyang paboritong pagkain ay kaagad siyang nagpalahaw ng iyak. Nagulat naman ang lalaki at napaawang ang maliliit nitong mga labi.
"Hala. Hala! Bakit ka umiiyak?!" may halong kabang tanong ng lalaki. Tumayo siya at pinagpag ang pang-upo saka dali-daling nilapitan ang babae.
"Yung... yung food ko," humihikbing pagpapaliwanag ng babae at itinuro ang nalusaw niya nang ice cream. Napakamot ng ulo ang batang lalaki at bumuntong-hininga saka hinawakan ang kamay ng babae.
"Tahan na. I'll buy you ice cream."
"May pera ka ba?"
"Oo naman!"
"But you look like a beggar!" nagpapapadyak na sinabi ng babae. Nakaramdam nang konting inis ang lalaki ngunit isinantabi niya ito sa takot na baka mas lalong umiyak ang babae at matuon sa kanilang dalawa ang atensyon ng iba pang mga batang naglalaro.
Gamit ang kanyang maliit na kamay, dahan-dahan niyang inilabas mula sa kanyang bulsa ang lukot na bente pesos at nilahad iyon sa harap ng babae. Nagtatakang tumingin sa kanya ang umiiyak na kausap at pinunasan ang mga luha nito.
"Ayan oh. May money ako."
Tumango lamang ang babae at ngumiti nang malapad.
"Gusto ko chocolate ha?"
"Sige."
Nagsimula na silang maglakad dalawa at habang naglalakad ay dinadaldal naman ng babae ang kasama.
"What's your name nga pala?"
"Trip."
"Wow. Nice name! Ako naman sa Fallon! Pero mas gusto kong tinatawag akong Fall." masayang wika ng babae habang naglalakad sila patungo sa malapit na ice cream parlor.
Tumigil saglit ang lalaki dahilan para mapatigil din siya. Tinignan siya nito at umiling bago nagsalita, "hindi ko tinanong," arogenteng sinabi nito at muling naglakad.
YOU ARE READING
Trip and Fall
RomanceTrip Sandoval and Fall Vasquez are the best of friends. Bukod sa marami silang pagkakatulad, pareho rin nilang gustong paglaruan ang damdamin ng ibang tao. Trip is the mastermind while Fall is his accomplice. Para silang gumagawa ng krimen kung saan...
