Prologue
"Oh look who's here ladies, the ugly freakin' rat again" napahinto ako sa paglalakad ng bigla akong harangin ni Tasha at ng mga alagad niya dito sa may hallway. Here we go again. Napahigpit ang yakap ko sa mga librong dala ko. Bakit ba ayaw na lang nila akong tigilan at hayaan na lang?
"Alam mo dapat ka na kasing umalis dito e, this is definitely NOT your place. You only deserves trash!" panlalait nya ng nakahalukipkip. Hindi ko makita ang mga ekspresyon nila dahil nakayuko lang ako. Pero alam kong masaya ang mga tao sa paligid dahil binubully na naman ako.
"This is palace for princesses like us, bitch! So Get lost!" sabi pa nung isa. Oo, sa sobrang ganda ng eskwelahang 'to, nagmukha na itong palasyo pero hindi sapat na rason yun para maging bawal ang pag-apak ko sa sahig nito.
"I think admins gone so wrong, see? they allowed freakin' frog here" mataray na sabi ni Kira habang nakahalukipkip. Sabay silang nagtawanan pati na ang mga taong nakapaligid samin. hindi ko na kaya!
"Bakit ba ayaw nyo na lang akong hayaan?! Tigilan nyo na'ko! Wala akong kasalanan sa inyo!!" sigaw ko kaya natigilan silang lahat. Nabitiwan ko na rin ang mga librong dala ko at nagkalat na ang mga yun sa sahig. Bigla namang nagsituluan ang mga luha ko. Hindi ko na kaya ang mga ginagawa nila sakin eh! hindi na 'to tama!
"oh. So sumasagot ka na ngayon?" nanggagalaiting sabi ni Tasha sabay sabunot sakin. Tumulong na rin ang mga kaibigan nya sa pagsabunot sakin. Sana hindi na lang ako nagsalita kanina. Sana hinayaan ko na lang sila. Pero sadyang hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko kanina. May humila sa buhok ko, may sumampal-sampal sakin at kulang na lang matanggal ang anit ko sa sobrang lakas ng paghigit nila sa buhok ko.
Ni isa sa mga estudyante sa paligid ay walang nagtangkang tumulong, sino nga ba ako para tulungan? Ang sakit na ng ginagawa nila!
"A--ARAAY! TA--TAMA NAA! TU--TUMI--GIL NA K--KAYO!!" utal kong sigaw dahil sa sakit na ng ulo ko pero mas malakas pa rin sila.
"Ito ang bagay sa mga katulad mo!" sigaw ni Kira. At mas nilakasan pa nila ang pagsasabunot sakin. Napahagulgol na 'ko ng iyak. Hindi ko na talaga kaya! Lord, nasan ka? tulungan mo naman ako. Dinig na dinig ko ang mga tawa't pangungutya ng mga tao sa paligid. Masaya bang manood ng ganito kasaklap na eksena?
May humila sa buhok ko kaya napaawang ang bibig ko. Ramdam ko ang unti-unting pagkatanggal ng mga butones ng blouse ko. Hindi pwede! hinila ko pabalik ang blouse ko pero nagtulungan na sila.
"A--ano b-ba! ta--tama n--na!" utal at pabulong ko ng sabi habang humahagulgol. May tumulak sakin kaya bigla akong bumagsak sa sahig. Kitang-kita na ang bra ko kaya hinila ko ng mahigpit ang blouse ko sa akin. Ang sakit ng buong katawan ko, masakit at mabigat ang nararamdaman ng puso ko. Nawala na ang salamin ko kaya malabo ang paningin ko, isama pa ang ang luhang patuloy na kumakawala.
Ganito ba talaga ang buhay na nakatadhana sakin? bakit?
"Well done ladies!" sabi ni Tasha at may kasabay pang palakpak. Nagtawanan ang lahat. Nanatili akong nakayuko dahil hindi ko sila kayang tingnan. Lord please.
"Princess Tasha! ang galing mo!"
"Tash! your so pretty, hayaan mo na yang ugly duckling na yan!"
"She's just a trash Tash!"
"Yeah I know right guys!" sabi nya sa mayabang na tono dun sa mga pumupuri sa kanya.
"Yan! yan ang bagay sayo! you look like wasted animal whatsoever. Let's go girls! hina-haggard ako dito." mataray nyang sabi nang balingan nya 'ko at umalis na silang nagtatawanan. Nagsialisan na rin ang kaninang nakapaligid ng mga estudyante.
YOU ARE READING
The Casanova's Passionate Kiss
RomanceWhen the nerd was kissed passionately by the campus casanova.
