-- Can't accompany you. Gotta go to my Dad's office. Sorry! -- text ko sa kanya. Hindi naman pwedeng basta na lang change of plans. Isa pa, nakakahiya kay Mommy. Malapit na kami at ayaw ko naman na change of route. She also has a work to do!

-- Fine. I understand. Maghahanap na lang ako ng ibang date .. Boylet! HAHA -- Natawa naman ako sa last text niya. Tingan mo 'tong babaeng 'to. Ayaw daw ng boyfriend pero maghahanap ng ka-date. Kalurkey!


Sa sobrang pag-iisip sa kabaliwan ng babaeng 'yun ay hindi ko namalayan na nasa tapat na pala kami ng company ni Daddy.


"Thank you, Mom! You take care. Alright?" Sabi ko sa kanya as I kiss her goodbye.

"You too. And please, don't give your Dad a headache! HAHA." Natatawang sabi ni Mommy. Napangiti naman ako. Mag-be-behave kaya ako dun. Anong akala ni Mommy?


Bumaba na ako ng kotse at hinintay muna na makaalis si Mommy bago pumasok sa loob ng kompanya. Nang hindi ko na matanaw ang sasakyan ni Mommy ay saka ako tumalikod.

Magsisimula na sana akong maglakad pero nakakita ako na malapit na McDo. Nakaisip ako ng idea. Bibilhan ko na lang si Daddy ng Lunch at sasabayan ko siyang kumain. Naalala ko kasing katulad ko pala ang parents ko. Paborito rin nila Mommy ang McDo fries. Doon sila madalas kumain dahil doon daw sila nagkakilala. Akalain mo 'yun? May sentimental value pala sa kanila ang McDo. Natawa ako sa naiisip.

Pumasok na ako sa McDo at nag-order ng 2 Chicken and Spaghetti, sundae and large fries. Nag-take out lang ako dahil sa loob na lang kami ng office niya kakain. Hindi pa ako nag-te-text sa kanya para iinform ang pagbisita ko. I want to surprise him!

Nang maibigay na ay agad akong pumunta pabalik ng building at pumasok. Hindi naman na ako tinanong pa ng mga guards doon dahil kilala na naman nila ako. Nginitian lang nila ako at binati ng 'Good Morning'. Ngumiti na lang rin ako pabalik at nagpatuloy. Sumakay ako ng elevator paakyat sa 50th floor. Ang office for the CEO, ang Daddy ko. 'Yun na ang last stop bago ang rooftop.


'Office of the CEO'


Ang unang bumungad sa akin sa pinto ng office ni daddy. Dahan-dahan kong binuksan at nakitang walang tao sa loob. Siguro ay may meeting pa ito. Hihintayin ko na lang siya sa loob. One hour pa naman bago ang lunch time. Di naman siguro ako maiinip sa paghihintay.

Pumasok na ako sa loob at naupo sa nakalaang sofa sa office niya. Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng opisina. White and Black ang motif ng office ni Mommy. Napaka-manly! Ang lakas maka-gwapo!

Edward Martinez-Fortalejo. The owner of the Fortalejo's Business Corporation. FBC mainly focuses on businesses such as Beach Resorts, Hotels and Restaurants. It is also considered as one of the leading corporations in the Philippines. Si Daddy na ang namamahala nito dahil siya lang ang kaisa-isang anak sa side ng mga Fortalejo at dahil natulad sa kanya ang tadhana ko, kaya in the near future ay ako rin magmamana nito.

Tumayo ako para mas makapaglibot pa sa kabuuan ng office. Napakalaki kasi nito para sa isang taong nagtatrabaho. Sabagay, office of the CEO naman ito kaya dapat lang din naman. Napagpasyahan kong umupo sa swivel chair na nakalaan para kay Daddy sa kanyang opisina.


'Someday, I'll be the one to sit here and run the company.'


Ang bagay na tanging naiisip ko pagkaupo ko. Napabuntong-hininga ako habang nakapikit. Isinandal ko ang ulo ko sa sa swivel chair na para bang nagpapahinga. Babalik na sana ako sa sofa nang may mahagip ang aking mga mata. Napakunot ang noo ko. Nakita ko ang isang picture frame na nakapatong sa table ni Daddy. Isang malaking bahay ang nasa larawan.


That Picture ..


Parang nakita ko na 'to dati pa. Saan nga ba? Inaalala ko ang larawan na ito ngunit tanging pagsakit lang ng ulo ko ang naramdaman ko kasabay ng pagdaan sa isip ko ang mga malalabong pangyayari na hindi ko alam kung saan patungkol.


"Aaaah!" Napasigaw ako ng impit sa sobrang sakit ng ulo ang nararamdaman ko.


Napahawak ako ulo ko. Sumasakit ito at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.


"Aaaah!" Sigaw kong muli.


Pilit kong inilalakad ang mga paa ko papuntang sofa para dun na mahiga. Nakarinig ako ng pagpihit ng pintuan hudyat na may papasok.


"Kath .. Kath .. Damn! What happened baby?"


And that's the last thing I've heard and everything went black ...

POLS1: Their PROMISE of FOREVER [Inspired by: Pangako Sa'yo - KathNiel Remake]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon