"matagal mo na akong tinataniman ng pagmamahal mo?" Biro ko sa kanya.

"Hahaha.." Sinagot niya nalang ako ng tawa.

---

Sabay kaming naligo nung gabing yun. Siya ang nagluto, Siya ang nagayos ng kama.

Hindi ko alam kung paano niya nagagawa to sa akin, na araw-araw binibigyan niya ako ng dahilan para maramdaman ko na ito ang unang pagkakataon na naranasan kong magmahal..

---

"Ang cheesy.." bilang bulong niya sa likod ko at humalik sa aking pisngi mula sa likuran. Niyakap niya ako sa likod at nanonood sa mga tinatype ko sa ginagawa kong libro.

"Wag kang magulo.. nahihiya ako.." Habang tinatakpan ang mga bagay na sinusulat ko tungkol sa kanya.

"Gusto kong makita.." Hinahawi niya ang kamay ko.

"Baka mamaya, ilagay mo dyan na minsan habang natutulog umuutot ako, o baka ilagay mo diyan na para akong babae tumili o nagtatakip ako ng unan kapag tinitingnan mo ako..." Pabiro niya habang pinipilit tingnan ang tinatype ko.

"Seed.. mababasa mo naman to, ikaw ang unang makakabasa nito.." Pakiusap ko sa kanya.

"Kinikilig ako, kasi may nagsusulat ng libro tungkol sa akin.." Sabi niya habang nakayakap parin sa akin at hinahalikan ang leeg ko.

"Seed! Hindi ako makapagconcentrate.." Naiirita kong sagot sa kanya.

"Seed 7" Sabi niya, nasulyapan niya ang title ng sinusulat ko.

"Teka? bakit seed 7 lang? Di ba pwedeng Seed ang aking prinsipe o Seed ang aking buhay at mahal na mahal kong tunay?" Sabay bigla siyang humalakhak. 

"Seed!" Pasigaw ko habang tinatakpan ang naitype ko na. 

"Hindi mo matatapos yan.." Sabi niya sa akin.

Bumaba ang mga balikat ko at nawala ako sa mood. Bakit siya ganun? bakit parang hinaharangan naman niya o dinadown yung mga bagay na nageenjoy akong gawin. Anong ibig sabihin nung hindi ko to matatapos? Alam ko na madali akong mawalan ng inspirasyon, maaring hindi ko nga to matapos o mawalan ako ng interest, pero nasa puso ko ang pagsusulat, lalo pa kung siya ang kinikwento ko.

"Ayokong basahin yan.." Sabi niya sa akin, tumayo na siya mula sa pagkakayap sa likuran ko at humalik sa tuktok ng ulo ko.

"Wag kang magpupuyat diyan, matulog ka na.." Sabi niya sa akin.

Halos mangiyak-ngiyak na ako na sinabi niyang hindi niya yun babasahin eh para sa kanya naman talaga to lahat, para sa kanya, siya yung inspirasyon ko sa pagsusulat. Pero, ano to? Hindi niya babasahin? bakit?

Habang pinagpatuloy ko ang pagtytype, unti-unting pumatak ang mga luha sa mata ko at naramdaman ko na para akong nanginginig. Habang siya mahimbing ng natutulog, ako lumalaban sa mga salitang binitiwan niya sa akin.

"Ayokong basahin yan.."

Sa lahat ng tao, sa libo-libo ng taong pwedeng makaappreciate sa mga bagay na ginagawa ko, siya ang unang-unang taong nagdown sa akin, siya mismo na karakter sa sinusulat ko. Huminto na ako sa pagsusulat, para saan pa?

Humiga ako sa sofa, ayokong tumabi sa kanya sa kama. Masama ang loob ko.

Ilang oras ang nakalipas, habang paulit-ulit na nagrerewind sa isip ko yung sinabi niya, hindi parin ako makatulog. Lumabas siya sa kwarto at uminom ng tubig sa kusina, ayokong makita niya na umiiyak ako, kaya nagpanggap akong tulog.

Nararamdaman ko nang malapit na siya sa akin. Palapit na ng palapit. Naramdaman ko na ang mga kamay at braso niya sa leeg ko at binti. Bubuhatin na niya ako sa kama. Katulad ng lagi niyang ginagawa, katulad ng laging ginagawa ni papa nung bata pa ako.

Mahal ko siya, hindi ko magawang magalit, pero gusto kong magtanong kung bakit, bakit ganun? bakit hindi niya babasahin?

Habang nilalapag niya na ako sa kama, humalik siyang muli sa noo ko pero imbis na humiga, umalis siya ulit. Hindi ko alam kung bakit hindi siya tumabi sa akin, siguro masama rin ang loob niya.

Ilang oras pa, hindi na talaga ako makatulog. Naamoy ko ang amoy ng Kape, hindi narin siguro siya makatulog. Naisip ko, tama lang yan, dapat sumama ang loob niya sa sinabi niya, dapat pagsisisihan niya yun. 

Dahan-dahan, bumangon ako at sumilip sa nakaawang na pinto. Hindi niya sinara, alam niyang magigising ako kapag pumasok siya ng kwarto kung babalik siya at tatabi sa akin.

Andun siya sa Table, kasama ang laptop ko, nagkakape.

Nagbabasa.

May Dala siyang unan. Sakto nung mga oras na yun, nasa parte siguro siya ng nakakakilig na kwento, tinatakpan niya ng unan yung mukha niya kapag matatawa siya o ngingiti. Alam niyang magigising ako sa kakarampot na ingay.

Tumatawa siya, ang lambing ng tawa niya.

Kinikilig siya sa mga nababasa niya.

Napangiti ako nung nakasilip ako ng maigi sa screen.

.

.

.

Binabasa niya Ang Dear Seed.

Dear Seed,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon