Ngayon nga ay kaharap na naman ni Hainra ang babaeng ito. Pitong taon. Pitong taon na rin ang lumipas ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring balita sa kanyang asawang si Gunther. Hindi niya maiwasang magduda, pero ano nga bang magagawa niya? Ang taong ito lamang ang makakatulong sa kanya. To think na ito pa mismo ang kusang lumapit noon sa kanya at nag-alok ng tulong.

"Kamusta na ang anak ni Gunther?" tanong ng babae.

"Nag-aaral siya ngayon. May mag-asawang gusto siyang pag-aralin."

Kumunot ang noo ng babae. "At saan naman siya nag-aaral?"

"Hindi niya nabanggit sa'kin," tugon ni Heinra. Totoo namang hindi binanggit ng bastarda kung saan ito pumapasok.

Nagkibit balikat na lamang ang babae. Pinanood na lamang ito ni Hainra habang nagsasalin ng alak sa wine glass.

"May mga mata ako kahit saan Hainra. Kapag nalaman kong hindi mo ginagawang miserable ang buhay ng anak ni Gunther ay buhay mo mismo ang gagawin kong miserable.."

***

Kumunot ang noo ni Caleb. "Sigurado ka ba sa sinasabi mo Krishna?"

"Oo nga, ang kulit."

"Parang hindi naman kasi kapani-paniwala.." Napakamot si Caleb kanyang ulo. Haayys. Sabi ko na nga ba hindi siya maniniwala.

Kakatapos lang ng klase ko at nakasalubong ko naman itong si Caleb sa hallway. Niyaya niya 'kong tumambay sa cafeteria at ayun, kinuwento ko sa kanya 'yung nangyari matapos niya akong ihatid sa bahay no'ng weekend matapos ang engkwentro namin sa Pâgala.

Well.. Hindi ko naman masisisi si Caleb kung hindi siya maniniwalang biglang napunta sa bahay si Prince Sven sa hindi malamang dahilan. Kahit ako kasi nagdududa rin sa sarili ko. Hindi kaya panaginip lang lahat iyon?

"Ah, meron pa pala!" bulalas ko nang mayroon akong maalala. "Ang prinsipe, nakasalubong ko rin siya one time sa hallway. Ang weird no'n kasi nginitian niya 'ko. Tapos sinundan ko ang prinsipe, pero pagdating ko sa rooftop wala na siya ro'n at tanging uniform niya lang ang naiwan."

"At bakit mo naman sinundan ang crown prince?" tanong ni Caleb.

Err..Bakit nga ba? "K-Kasi nga ang weird niya.. Tumatakbo siya no'n. T-Tapos tumigil pa talaga siya sa harap ko para lang nginitian  ako."

Natatawang napailing na lang si Caleb. Argh! Okay lang naman kung ayaw niyang maniwala pero hindi niya naman ako dapat tawanan!

"I smell something...cheesy," he said, grinning.

At hindi naman ako tanga para hindi ko mahulaan ang ibig niyang sabihin. "It's not what you think, okay?"

Tumigil na siya sa pagtawa. But this time sumeryoso na ang mukha niya. "Nakikita mo ba ang babaeng iyon?"

Midnight FairytaleOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz