chapter 7

762 10 0
                                        

Chapter 7 

MOSTLY nang mga ka trabaho ko ay matagal na sa kumpanya. Kilala na nila si Burn at kung gano kami kalapit sa isa't isa. Lalo na ang mga matatabil ang dila na ginagawang tabloid ang buhay nang iba. Ang mga bagong empleyado ay nag tatanung kung ano daw ang talagang relasyon namin ni Burn. Basta ang sinabi ko na lang mag kaibigan kami ni Burn. 

Ang buong akala ko sa kabilang room si Burn ipu'pwesto ni Bench. Pero siniksik lang ang table niya sa office ko. Gusto pa atang ilabas ang seretary ko. Dala na ni Burn ang mga gamit niya na ilalagay sa bago niyang table.

"Erica, dito daw ako sa loob sabi ni Kuya"

"Sir Benjamin ang itawag mo sakanya. Wala kayo sa labas kaya hindi mo siya pwedeng tawagin na Kuya. 

"Opo, shall I call you Ma'am?"

"I prefer not to, masyadong nakakatanda MISS ERICA na lang"

"Opo Miss Erica"

Nakangiti pa rin siya kahit alam niya na pinapagalitan ko siya. 

"Lorenz paki kuha mo ang mga plans tsaka communications for the past 2years pag aaralan ni Mr. Bernard ang mga yon."

"Lahat po Ma'am?"

"Oo, mag patulong ka kay John sa records para makuha mo agad. At paki sabi kay Leo, ayusin kamo niya ang mga records sa bodega."

"Sige po Ma'am" 

Lumabas na si Lorenz. Nakatingin lang sakin si Burn at naka puppy face. Himala ata hindi tinitigan ni Burn ang secretary ko. Maganda at sexy si Lorenz. Tinapunan kami ni Lorenz nang isang sulyap bago umalis.Ito na mang isang mokong naka puppy face pa din.

"May dumi ba mukha ko?"

"Wala"

"Kanina ka pa jan, wala ka'ng nagagawa."

"Pumayag ka na kasi sa weekend, sige na para hindi na ko mangulit."

"Ayusin mo na yang table mo"

"Bahala ka jan hindi ko talaga aayusin to"

Aba at nanakot pa. Hirap talaga mag alaga ng bata. 

"Ayusin mo na yan"

"Bahala ka"

Badtrip talaga ohh.

"Oo na pupunta na ko sa weekend. Ayusin mo lang yang table mo nang makapag trabaho na ko."

"Yehey" para talaga siyang bata. 

"Sa condo ka matulog huh"

"Sabi ko pupunta ako hindi ako matutulog sa condo mo"

"Sige na pag tapos nang trabaho, para hindi ka na mag babyahe"

"Aalis kayo nang Kuya mo ngayon tsaka wala akong damit dun"

"Mag early out na lang tayo, tapos mag kita na lang kami ni Kuya sa Bar pagtapos natin mamili"

"Anong mamili?"

"Ipag luluto mo ko di ba. Tsaka bili na lang kita nang damit, para may bago kang dress. May malinis na damit ka pa naman sa condo eh. Hindi ko naman inalis dun."

"Bibili mo na naman ako baka masanay na ko nyan"

"I'babysit mo naman ako kaya okay lang"

"Hindi ako ng hihingi nang bayad sa pag aalaga ko sayo"

"Hindi naman bayad yon. Gusto ko lang talaga gastusan ka"

"Sige na ayusin mo na yang table mo"

Kahit napipilitan inayos pa din ni Burn ang table niya. Mag kasing laki lang ang table namin ni Burn. May desktop computer din siya. Inilagay niya ang mga file na meron siya sa isang sulok. 

"Erica, may ibibigay pala ako sayo"

Inabot niya sakin ang isang picture frame na may larawan namin. Kulay violet ito at may halong magenta ang design. Picture namin ito nang pumunta kami sa coffeeshop unang punta namin sa coffee shop noon. 

"Meron din ako tignan mo"

Sabay pakita sakin ng picture frame nakamukha na binigay niya sakin kulay black at red ang design. Ibang larawan ang nakalagay picture namin nang minsang mag karoon na event ang company. Unang beses na sinuot ko ang dress na binigay niya. 

"Tagal na ng mga picture na to ahh."

Patuloy pa rin siya sa pag aayos nang table niya 

"Oo nung nag palit ako na cellphone naisip ko ipa develop ang mga pictures na yan. Dami pala nating pictures na mag kasama. Pati mga picture mo na solo nung event."

"Saya nun ehh"

"Sinabi mo pa"

Matatapos na si Burn sa pag aayos nang table niya nang pumasok si Lorenz kasama ni John dala ang mga plans at communications.

"Paki baba na lang dito sa may table," agad lumabas si John pag kalagay niya nang mga files sa table ni Burn. Nasa tatlo hangang apat na docket ang binaba ni John sa table ni Burn. 

"Aralin mo yan, mga plans yan at communications nang nakalipas na dalawang taon."

"Dami naman nito"

"Aralin mo yan madali lang naman yan pag hindi mo natapos lahat sa susunod na pasok mo tapusin. Para may knowledge ka sa mga naging transactions nang kumpanya."

"Opo"

Bumalik na ko sa trabaho ko. Tinapos ang mga nakabinbing trabaho na hindi ko natapos kahapon. Tumakbo ang oras maya-maya pa ay lunch break na.

"Ma'am mag lunch po ako sa labas kasama sila John, balik na lang po ako after lunch"

"Sige"

"Bye Sir Bernard"

Busy si Burn sa pag babasa nang mga files

"Huh? Oo, bye" at bumalik ulit sa pag babasa. Lumabas na si Lorenz dala ang wallet niya.

"Burn, kain na muna tayo."

"San ka kakain?"

"Dito sa office mag papatake out jan sa malapit na fastfood."

"Sige mag rice ako nakakagutom pag aralan tong mga to"

Sabay na kaming ng punta sa kalapit na fastfood. Medyo marami na ang tao mabuti na lang at may take-out counter sila kaya hindi kami nahirapan ni Burn. Umorder ako nang isang chickenjoy with rice, isang shanghai roll with rice mas gusto ko ang shanghai roll kaysa sa chicken joy. Hindi dahil sa nag titipid ako pero, dahil sa mas gusto ko ang lasa nito. Nag padagdag nang peach mango pie to go, at dalawang mashed potatoes. Lagi na lang pinag titinginan si Burn palibhasa gwapo. Minsan tuloy awkward pag mag kasama kami. Dami kasi nakatingin.

Mr. PerfectWhere stories live. Discover now