Kabanata Isa

76 1 0
                                        

“Comatose po and inyong anak na si Nelson”

Isang linggo na ang nakalipas noong sabihin ng doctor sa mama ni Nelson ang nangyari sa anak nya. Para kaming pinagbagsakan ng langit at lupa noong araw na iyon.

 Naaksidente sya noong araw ng kasal namin. Isang malaking aksidente na kumitil sa pitong buhay at maraming sugatan. Maswerte si Nelson dahil nakaligtas sya.

Ang saklap di ba? Naaksidente ang taong pinakamamahal mo sa araw ng kasal nyo.

Noong una, parang hindi ako makapaniwala na nangyari iyon. Pero totoo talaga. At parang nag-slow  motion pa sa utak ko ang pangyayari.

Pero malaki pa rin ang pasasalamat namin sa diyos dahil hindi nya kinuha sa amin ng tuluyan si Nelson. Pero, hindi man nya ito tuluyang kinuha eh masakit pa rin sa amin ang estado nya ngayon.

Ang mas masakit ay yung sinabi ng doctor na 50-50 ang chances na magising pa si Nelson. Dahil na rin iyon sa lakas ng tama ng ulo nya ay hindi nagfa-function ng ayos ang utak nya.

Halos halikan ko na ang paa ng doctor noon dahil sa sobrang pagmamakaawa na gumawa sila ng paraan para lang mabuhay si Nelson.

Hindi kami nawawalan ng pag-asa. Alam namin na hindi kami basta basta iiwan ni Nelson at hindi nya ako basta basta iiwan na lang, nag ganun-ganon lang. At malaki ang tiwala ko sa kanya.

May buhay nga sya para naman syang patay. Isang Nelson na nakahiga sa kama, hindi namin makausap, may bandage sa ulo nya sa braso, sa binti at sa may dibdib nya, may mga sugat at pasa sa iba’t ibang parte ng katawan nya at ang daming nakasaksak na kung ano-anong aparato sa katawan nya.

Hindi ko sya matignan ng maayos. Hindi ko kayang makita syang ganoon. Naaawa ako sa kanya at nasasaktan na makita ko sya sa ganoong lagay. Parang hindi si Nelson ang nakikita ko.

Under observation pa sya. At natatakot kaming lahat dahil hindi pa ganoon ka-okay ang lagay nya. Kaylangan syang i-check ng doctor at nurses kada tatlo o limang oras.

Hindi rin namin sya magawang hawakan man lang dahil nga sa mga nakasaksak ng kung ano ano sa katawan nya pero nalalapitan namin sya.

 “Joel, hindi ka pa ba uuwi? Kami na muna dito magpahinga kana muna sa inyo”  malumanay na sabi sa akin ni mama Agnes, ang mama ni Nelson. Kitang kita parin ang mapupula nyang mga mata.

Nakatayo sya sa harap ko.

Tumango ako bilang tugon at tumayo. “Sige po aalis na po ako mama. Babalik po ako dito bukas”

“Mag ingat ka sa byahe ha. Matulog ka ng mahimbing. Kaylangan mong magpahinga ng matagal at kumain ka ng marami. Kahit wag kana muna pumunta dito para makapagpahinga ka. Ayaw ni Nelson na ganyan ang itsura mo Joel” hinawakan nya ang dalawa kong braso “Baka kapag nagising si Nelson eh pagalitan nya kami at sabihing pinapabayaan ka pa namin” pabirong sabi ni Mama Agnes kaya napatawa rin kami parehas.

“Sige po Mama. Sa makalawa na lang po ako babalik dito” tumango sya at ngumiti.

***

Tinatahak ko na ang daan pauwi sa condo ko. Mabagal lang ang pagmamaneho ko at kita kong kaaunti lamang ang mga sasakyan sa paligid. Tumingin ako sa orasan. “10:33 pm na pala”

Nang makarating na ako sa condo ko ay agad akong nag-shower  at nagpalit ng pantulog na damit. Nagpainit ako ng tubig para sa instant noodles na binili ko sa convenient store.

Tahimik lang ako habang  kumakain at ang dami dami kong naiisip. Nagfa-flashback sa utak ko yung pangyayari noong araw ng kasal sana namin. Yung may biglang tumawag sa cellphone ko at sinabing naaksidente at sa ospital si Nelson.

A Kiss From DevilWhere stories live. Discover now