Cause of Death : Pooling in

37 2 0
                                        




           

"Just look for WRIGHT as your contact person. Thank you and see you here. 😊"

I yawned as I pressed send. Nag-inat ako at tinignan ang cup ko na may lamang kape sa tabi ng laptop ko. Wala! Kanina may kalahati pa 'yun ngayon said na. Posible kayang nag-evaporate?

Binilang kong muli ang confirms ko para sa provincial jobfair bukas erase mamaya dahil according sa time sa laptop ko ay 2:30 AM na.

315. Okay na siguro ito. Marami naman na para sa one-day-jobfair. Ipipikit ko muna saglit ang mga mata ko ng maranasan naman nila. Tatlong araw na akong mulat. O di ba ang talented ko. Pambihira!

Pero bago ako pumikit, chineck ko muna yung FB account ko na kanina pa may Unread Message – na agad kong pinagsisihan. PM pala iyong ng TL ko.

"Lea, 500 pool-ins dapat tayo a! Di bale mababawi rin natin to. Good luck! 😊"

Nagsmiley pa si Madame di naman nakaencourage.

Name: Lea Lopez

Age: 21

Location: Pasig City

Job Position: Company Advertiser with the Pen Name Lewis (Main); Wright (Jobfair)

Cause of Death: Pooling In

"WHAAAAAAT??? NOOOOOOO!!! Magkakabalikan pa kami ng ex ko! Hindi ako puwedeng mamatay!"

May narining akong tunog. Patuloy ang pagbeep neto. Shocks! Nasaan ba ako? Puro naman kwarto. Nasan ba yung tunog? Patuloy ang pagsunod ko kung nasan ang tunog. Hindi pa ako patay. Nanaginip lang ako. Tama I'm just dreaming. Duh!

Dreaming?

Ako?

Nanaginip?

"—500 pool ins—" "Good luck! :)"

"NOOOOOOOOOOOOOO!"

"Ouch!"

"Lea! Langya naman o! Yang cellphone mo kanina pa tunog ng tunog. And please naman, wag kang sumigaw! Kung hindi ka naman humahagulhol, sumisigaw ka o! Bigyan mo naman kami ng katahimikan!" sabay walk out ni Ate Nora. Wow! Napatunganga lang ako habang sinabi niya lahat yun. Sakit ng hampas niya a, plus wala pang mumog-mumog na nginawaan ako. Grabe siya!

Naghimalos ako saglit ng mahimasmasan, sabi nila pampawala daw ng antok ang kape, imbis naman na di antukin, heart attack ata mapapala ko dun. Kumusta naman daw yung pagmumukhang humarap sakin sa salamin? Naghilamos lang ako dinaig ko pa ang panda sa eyebags ko. Kaso buti pa yung panda cute; ako, pacute na nga lang mas mukha pang patatas. O ground open up and swallow me. Erase! Di pa pala muna pwede dahil ang goal ko this month ay magkabalikan kami ni Ex, ramdam ko na nga na malapit na yun e. Actually kanina ni-chat ko siya e, syempre Friends pa rin naman kami, di niya ako ina-Unfriend kaya alam ko there's hope! Amen!

Check ko kung naread na niya. Kaso hindi pa pala. Di bale, ichachat ko ulit siya.

"Good morning! :) Have a great day ahead! :)"

Sent. Ewan ko lang kung di pa siya bumalik sakin. One of a kind kaya ako; sabi ni mommy nung younger pa ako.

Bumalik na ako sa pagpupool in. Marami na rin ulit na private messages. Infairness sa mga applicant malakas din magpuyat. Nagstart na ulit akong magreply at magtext isa-isa. Konti na lang naman makaka500 na ako. Taps self. Kaya ko to!

"O, Lea di ka na natulog?"

"HA?"

"Good moooorning! O—" sabay turo sakin ni Carlo. "Hayaan mo na yun Lea. You deserve better. Wag mo na pagpuyatan."

JOB TITLE: ADVERTISER II (One Shot)Cerita yang bikin terobses. Temukan sekarang