Chapter I

45 0 0
                                        

Bakit kaya ang hirap makahanap ng para sa atin? Ang iba naghihintay, naghahanap, iba naman nagpapaka martyr sa nililigawan, ang iba ginagamit ang pera para makahanap ng babae, at may ibang tao naman na todo effort, di naman pinapansin ng gusto nila. Hay mundo napakdaya mo! Pero hindi naman dahilan yun para di magpatuloy sa buhay.

Ako si Carlo o Kaloy isang hopeless romantic na halos manlilimos sa daan ng pagmamahal kulang nalang lakarin ang buong Pilipinas, mahanap lang siya yung taong tanggap ako sa lahat ng aspeto. Ako yung taong sa tuwing babangon ako ay sana ngayong araw ko makita yung hinahanap ko ng matagal nang panahon. May kaibigan ako na sa sobrang astig di mo aakalaing babae, ang pangalan nya ay Sheena pero ang tawag sa kanya dito sa amin ay "Shin" dahil ayos at porma nya. "Anu pareng Kaloy! Musta paghahanap sa mga chix? Wala pa rin?" ika nya na may halong halakhak. "Oo pre e. Hahahaha! Ganito na ko kadesperadong hanapin siya." Nagtataka siguro kayo kung bakit ka desperadong desperado akong mahanap ang gusto ko? Dahil panahon na siguro sa mga ganitong bagay. Ikaw ba naman na sa buong buhay mo panay hanap sa kanya kasi gusto ko lang na makatanggap ng totoong pagmamahal sa isang tao, hindi ba lahat naman tayo ganoon ang gusto? Eh sa hirap maghanap ng ganun, tutulala ka talaga. Meron naman, hanap ka ng hanap eh di mo alam may naghahabol pala sa likod mo, at dahil sa kadahilanang ayaw mo sa kanya, lumalayo ka nalang nang walang dahilan. Hay mundo napakagulo.

Ako si Sheena, nagpapakatomboy kasi simula nung binasted ako ng isang lalaking gustong gusto ko, hindi ko na alam ang gagawin at ako lang ang nag-iisang babae at bunso sa pamilya. Dahil mga mas nakakatanda sa akin at konti lang ang babaeng makakausap sa lugar naming, naging one-of-the-boys na ang ganap ko. Pero imahe ko lang ito, hindi ang puso ko. Nakilala ko si Kaloy sa eskwelahan, masayahing lalaki, mahilig magpatawa, desperado maghanap ng babae pero siya na ata pinakanakita kong malungkot na tao. Simula kasi na naghiwalay ang pamilya nya, hindi na sya nakakatanggap ng atensyon sa kanila. Nasa puder sya ngayon ng ina nya na halos ibuhos nalang ang oras sa kakatrabaho at kakasugal sa sugalan. Si Kaloy din ang pinakanakita kong matibay dahil kahit anong lungkot at hirap ang nangyari sa kanya, ayon, masayahin pa rin at parang walang problema. "'Kaw tol? Pwede ba kitang ligawan?" sabi nya. "Kadiri ka naman tol! Di tayo talo!" biro ko at tumawa kaming dalawa nang malakas. Minsan nagkarambol sa tapat ng eskwelahan nang pauwi na kami at sa hindi malamang dahilan, nadamay kami sa gulo ni Kaloy. Nahiwalay ako saglit kay Kaloy, akala ko yun na huli ko. Nang may hahampas sa likod ko, biglang humarang si Kaloy para iligtas ako. Pinilit kong makalayo sa rambol na iyon, akay akay si Kaloy at sa kabutihang palad, nakalayo at nakaalis sa gulo. Agad agad kong hinanap ang kapatid ko para gamutin ang dumudugong ulo ni Kaloy. Dahil sa insidenteng iyon, nagkagusto ako kay Kaloy. Hindi dahil matapang sya, kasi kaya akong protektahan anumang oras. "Ang hina naman ng hampas nun!" pag gising at pambungad samin ng kapatid ko. "Oo nga! Sa sobrang hina, nakatulog ka e!" bawi ko at sabay tawa naming tatlo. Nagpapasalamat ako at nakilala ko sya.

Pebrero na naman! Usong uso sa hayskul ang JS Prom na isang beses lang dumating sa mga estudyante at para sa akin, isa tong malaking pagkakataon na makasayaw yung mga taong gusto ko. Todo porma ako syempre! Naka itim na polo, pulang necktie at itim na pantalon na hiniram ko sa kuya ni Shin. "Oi Shin! Tara na!" sabi ko. "Sige una ka na, may inaayos pa ako e." mahinhin nyang boses na parang nahihiya sa loob ng kwarto nya. "Sige na Kaloy. Mauna ka na, ihahatid ko nalang siya." Pag sasang ayon ng kapatid ni Shin sa kanya. At sa payo nang kapatid nya, nauna na k okay Shin. Sayang, gusto ko pa naman makita suot ni Shin. Baka mas astig at pang agaw atensyon sa mga babae gagawin nya. Nakarating na ako sa eskwelahan ko at sa inaasahan, halos lahat may partner na akay akay sa kasiyahang iyon. Syempre ako inuna kong kumain bago maghanap ng kasayaw, di pa naman nagsisimula ang sayawan e. Nagsalita na ang punong direktor ng paaralan, "JS Prom is now to start, please take the center stage to dance." "Ito na 'to! Makakahanap na ko dito panigurado." Sabi ko sa sarili ko. At nagsimula na nang tuluyan ang programa. Bad trip naman o, lahat ng gusto kong isayaw, kundi may syota, may kasayaw, yung iba naman ayaw makipagsayaw kasi may hinihintay daw silang lalaki para as first dance nila. Habang busy ako sa paghahanap ng kasayaw, tumigil ang lahat sa pagsasayaw kasi nakapukaw lahat ang atensyon nila sa isang babae na kararating lang. Naka pulang dress sya na bagay na bagay sa sayawan, naka high heels na kumikinam kinam parang diyamante ang ganda niya na halos napukaw na lahat ng atensyon sa kanya. Sa sobrang tulala, di ko napansing papalapit pala sa akin iyon. Siya na kaya ang hinahanap ko?

JS Prom... Bakit kasi nauso pa yan hay. Di bale, isang beses lang naman to sa buhay naming. "O anu Sheena? Tapos ka na mag ayos?" Sabi ni kuyang sabik na sabik akong makita sa suot at itsura ko. Bumaba ako para makita na nang kapatid ko ang suot ko. "Ayan! Bagay pala sa'yo mag pang babae eh. Sure lalaglag panga ng mga tao sa mga prom mamaya." Biro nang kuya ko. Hinatid na ako ng kuya ko sa eskwelahan ko. "Ingat pag-uwi mamaya a. Sabay na kayo ni Kaloy para di ka mapano sa daan." Payo ni kuya. At pumasok na ako sa loob ng event room kung saan ang JS Prom. Habang naglalakad ako, isa-isa nagtinginan sakin. "Sinu sya?", "Ang ganda naman nya", "Ano kaya pangalan nya?", "Makakasayaw ko kaya sya?" sabi ng mga taong nagbubulungan sa tabi ko. Nahihiya na ko sa suot ko pero, gusto kong mapansin ako ni Kaloy. Habang naglalakad ako, may isang tao akong natinag, si Kaloy. Ang guwapo nya sa suot niya. Tumigil ako sa harapan nya at nilapitan nya ako.

Walang apagtutubiling inabot ko ang kamay nya kasi feel kong kilala ko sya e. "Miss, pwede ba kitang maisayaw?" sabi ko. At pumayag naman sya. Pumunta kami sa gitna na kung saan lahat nagtipon tipon para saumayaw sa gabing iyon. Habang sumasayaw kami, parang ang bagal nang oras, yung tipong di ko na bibitawan kamay nya na sobrang pamilyar sa akin pero hindi ko maalala. Basta ieenjoyin ko na to. "I say, My darling, you were wonderful tonight." Tapos na yung kanta pero di pa rin kami tumitigil natuwa sya kasi parang ayoko pang tumigil, kahit naman sya eh. Yung gabing iyon, ang nakapagpabago ng gabi ko. Pagtapos naming tumigil ay bigla nalang siyang umalis at nawala. Mahahanap ko rin sya, ramdam ko iyon, baling araw....  

Anda telah sampai ke penghujung bahagian yang diterbitkan.

⏰ Kemaskini terakhir: Apr 24, 2017 ⏰

Tambah cerita ini di Pustaka anda bagi pemberitahuan tentang bahagian baharu!

TadhanaTempat di mana cerita hidup. Terokai sekarang