Pawisan ako habang naglilinis sa loob ng bahay namin.Ako si Clarisse Monteclaro,18 taong gulang .Nagaaral sa Unibersidad ng Montenegro.2nd Year College.
"Isay,diba may pasok ka pa??Ano pa yang ginagawa aasenso ka ba jan huh.. ... .. "Ayan nagsisimula nanaman ang pag sesermon ni Itay.
"Maaga pa naman po,kaya naglilinis muna ako."magalang kong sagot
"Nasan nga pala yung damit ko?Napalantiya mo na ba?"
"Tay,natapos ko na po kanina pa,nakapatong lang po sa ibabaw ng plantyahan." Sabi ko habang tinatapos ang mga dadakutin pang kalat.
Kailangan kong tapusin ang lahat ng gawain bago umalis ng bahay,
"Bilisan mo na diyan baka mamaya ma late ka pa."
"Opo tay.Ingat po sa trabaho."Nag tatrabaho si Itay bilang driver ng mga Montenegro,matagal na din simula ng pumasok siya dito,malaki ang tiwala ng mga Montenegro kay Itay kaya siya nagtagal.
Bandang 7 ng umaga ng ako'y umalis para pumasok sa Unibersidad.Sobrang laki nito,kaya sobrang daming estudyante ang pumapasok dito.Scholar ako dito simula noong first year high school palang ako.
Malapit na ako sa gate ng may tumawag ng pangalan ko.
"Clarisse,hintayin mo ko!!"
Andyan na ang maingay kong bestfriend.Siya nga pala si Ally Seles,magkaibigan na kami simula elementarya palang kami.
"Oh,Bat parang excited ka masyado."tanong ko dahil nakakakilabot yung ngisi niya.
"Alam mo bang may gusto sayo si Alvie??Kuminang ang matang tanong niya.
"Ano naman?halata naman sa kanya eh."Mataray kong sagot.Eh kasi naman kung makalapit sakin eh,ayaw ko sa ugaling meron si Alvie masyadong siyang mayabang palibhasa kasi anak ng mayor dito sa bayan namin.Wala namang laman ang utak,ayoko nga sa ganon.
"Huh!wala lang sayo,sayo na lumalapit si Alvie,ang gwapo kaya niya" Crush niya kasi si Alvie simula pa nuong elementary kami
"Di ko naman siya gusto eh,at saka alam mo naman si tatay sesermonan lang a nun."Mahabang litanya ko
"Ito naman,syempre kinilig lang ako para sayo.."Ang daldal eh tapos nakanguso pa
"Pasok na nga tayo,pag ako nalate yari ka sakin" sabi ko at dali daling naglakad.
<3lovelots
YOU ARE READING
Luke Montenegro's Girl
FanfictionClarisse is a beautiful girl.Sa sobrang ganda niya napakarami ang nahuhumaling sa kanya,Gayunpamam, sa dami ng nanliligaw sa kanya wala ni isa sa kanila ang kanyang sinagot. Dahil ito sa kanyang ama,siya ay lumaki sa piling ng kanyang ama,Puro panga...
